Andrea nagti-training ng frisbee, ballet, nahihiyang pag-usapan ang pagiging pinakamaganda sa buong mundo

Andrea

MANILA, Philippines — Nahihiya-hiya pa si Andrea Brillantes nang pag-usapan kahapon ang pagiging number 1 niya sa TC Candler at Independent Critics sa listahan nitong The Most Beautiful Faces of 2024.

Ini-upload ng TC Candler ang listahan nitong The Most Beautiful Faces of 2024 sa YouTube channel last Dec. 28, kung saan lumabas si Andrea bilang nangunguna sa mga pinagpilian sa platform na nakabase sa UK.

“Last year kasi napabilang na rin ako pero I think from what I can remember, top 16 yata, dun pa lang super happy na ako. Mapabilang lang do’n kahit nasa 50 what like…syempre such an honor talaga mapili ‘yung face ko ganyan. So nung nalaman ko na parang top 1 ako, ano lang ‘yun, eh, random Tuesday yata ‘yon or something tapos nag-aayos akong buhok, ta’s nalaman ko ‘hala top 1 ako!’,” reaksyon ni Andrea kahapon sa Spotlight presscon na organized ng Star Magic.

“Ta’s tiningnan ko agad sarili ko sa mirror ta’s ‘top 1 ka?’ As in talagang tawang-tawa lang ako. Tapos ang una kong… ang tinanong ko talaga, ‘yung mommy ko. Sabi ko ‘Ma, anong feeling? Ikaw ang naglabas sa mundo ng top 1, ganyan.’ Syempre masaya kaming lahat. Thankful lang ako pero hindi ko siya syempre pinapapasok sa ulo ko na top 1 ako. Syempre ang saya niyang pagbiruan lalo na with my friends kasi the day na nalaman ko parang pupunta ako sa friends ko syempre puro asaran lang. Na parang ‘hmm parang hindi naman!’ Pero happy lang talaga ako. Ang saya lang niya. I’m happy but hindi ko siya pinapapasok sa ulo ko na top 1 ako. Kasi ayoko naman na dun lang nakadepende ‘yung pagkatao ko saka ‘yung lahat ng pinaghirapan ko, ‘di ba. Iba pa rin lahat ‘yung bilang artista ako tapos naging top 1 ako. Nakakahiya siyang pag-usapan, grabe. Sobrang nakakahiya,” kuwento pa niya na may halong kilig ang kanyang shyness.

Sa ngayon ay ‘balance’ ang lifestyle ni Andrea. May oras na siya sa sariling kaligayahan lalo’t wala siyang programa sa kasalukuyan.

“Wala akong show so medyo mas may free time pa ako. Pero sa isang linggo marami nang nangyayari sa akin. Sa isang araw pa lang marami nang nangyayari sa akin. Tina-try ko talaga ‘yung best ko na ma-balance ko lahat, na kahit marami akong trabaho, since bata pa lang nagtratrabaho na ako.

“Hindi lang pag-aartista, pinasok ko rin kasi ‘yung pagiging influencer, dancer, artista ta’s ngayon pinasok ko rin ang business, ayoko naman mawalan ng sense of self. At ayoko naman na po nung dun lang ako nakatutok lalo na early 20s pa lang ako. I still wanna be young. I still wanna enjoy my youth so tina-try kong mag-find ng time for my friends, for my community sa church, sa friends ko, sa sports. After nito, pupunta ako sa Alabang, pupunta pa ako sa training with my friends.”

Training ng ano ito? “Frisbee naman, bago kong inaaral na sport, bago lang siya. Pero meron akong ballet.”

Frisbee? “Yes, it’s a sport now. Naririnig ko merong nagbubulungan “Frisbee? Frisbee?” Masaya siyang sport, guys. Try n’yo. Anyway, so tina-try ko talaga. I try to be really intentional with my time and with my time with my family and my friends. Everyday nakakausap ko pa rin ‘yung mama ko. Hindi ako texter. I’m really a bad texter, mas ma-call akong person but I try to find time for everything kasi if hindi ka magiging intentional with your time, masasayang mo siya like ako talaga, precious ang time nating lahat. Gusto ko talaga nae-enjoy ang time lalo na ‘pag bagets, may energy ka pa for everything, sinusulit ko,” pagdidiin pa ni Andrea na hindi rin naman talaga ang biro ang mga pinagdaanang mga intriga bago ang kasalukuyang kalmang sitwasyon.

Show comments