Carla, nagbabawi sa sarili!
Magbakasyon daw muna si Carla Abellana bago siya gumawa ulit ng malaking teleserye.
Masyado raw naging challenge sa Kapuso actress ang Widows’ War physically, emotionally, and mentally, kaya kailangan muna niya ng mahaba-habang break.
Ayon pa kay Carla, may pinirmahan silang NDA (Nondisclosure agreement) para sa teleserye to make sure na walang mag-leak or mang-preempt ng mga ginagawa nilang episodes.
Ngayon ay puwede na raw daw tutukan ni Carla ang kanyang kalusugan. Nabalita last year na nasa perimenopause stage na siya.
Ayon sa Cleveland Clinic: “Perimenopause is when your body starts transitioning to menopause. In perimenopause, your body is moving toward the end of your reproductive years.”
Ibig sabihin nito na sa edad ni Carla (38) ay mahihirapan na itong magbuntis.
Open na rin daw si Carla na umibig ulit. Kung ang ex-husband niyang si Tom Rodriguez ay nakahanap na ng bagong partner, ready na rin daw si Carla na mag-entertain ng mga suitors.
“Magsu-surrender po ako kay God. Magtitiwala po ako kay God this year. Let’s see what He has in store for me,” sey ni Carla.
Komedyanteng si Rubi-Rubi, muntik sumuko
Naiyak ang komedyanteng si Rubi-Rubi nang mapasama siya sa malaking cast ng action-serye na Lolong: Bayani ng Bayan.
Dumating daw sa kanya ang project sa moment na down siya at pinagdedesisyunan na niyang mag-iba na ng career.
“May ups and downs. Parang tatanungin mo, gusto mo pa ba na mag-artista? Magda-divert ka sa ibang plano mo. Pero there will be signs. May mga signs na ibibigay sa’yo ang Panginoon na sasabihing ‘diyan ka lang, binibigay ko ‘to sa’yo kasi may purpose kung nandiyan ka,’” sey ni Rubi na isa na ring acting coach para sa ilang Kapuso stars.
Tinayo ng komedyante ang Ready, Act, Go acting workshop para i-share niya ang kanyang years of experience sa acting.
“Life is unfair. Sa industry natin, mayroong sinuwerte, pero there are people na mas talented na walang suwerte. Pero sabi ko lang sa kanila, tuloy n’yo lang na magpakahusay at darating din ang break ninyo,” payo pa niya.
Lea, babalikan ang ‘Witch’
After six years ay muling bumalik sa musical theatre si Lea Salonga via the Philippine production of Into The Woods ng Theater Group Asia (TGA).
Gagampanan ng Tony Award-winning actress ang role ng The Witch na unang ginawa ni Lea sa Singapore production ng Into The Woods in 1994.
“Playing her again 30 years later is going to be illuminating. So much life has happened in the intervening years. I’m hoping to bring as much of that as I can to this production,” sey ni Lea.
Ang huling pag-arte sa stage ni Lea ay noong 2019 sa local production ng Sweeney Todd.
Into The Woods will open on August 2025 at the Samsung Performing Arts Theater.
- Latest