Budget ng CCP malaki ang natapyas... Cinemalaya, tsugi na ba?!

Wala pang official statement, pero diumano’y wala nang magaganap na Cinemalaya Independent Film Festival simula ngayong 2025.

Ito ay matapos na diumanong tapyasan ang budget ng CCP o Cultural Center of the Philippines.

Wala pang published article kung magkano lang ang nakuhang budget ng CCP ngayong taon.

Magbibigay diumano ng official statement ang Cinemalaya anytime now tungkol dito.

But anyway, mas na-trigger pa ang lungkot ng mga film buff sa post ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Joey Reyes na “I can’t believe it. I’ve already reached my quota of bullshit for 2025!”

Na sinundan niya ng “Saddened. Heartbroken. The end of something great because of personal biases of individuals.”

Parang totoo na raw ang lahat.

Pero ‘di pa naman sigurado. Baka naman hindi pumayag si First Lady Liza Marcos na pinararamdam sa movie industry ang kanyang suporta at pagmamahal.

Isa ang Cinemalaya sa parating inaabangan ng mga totoong mahilig sa pelikula.

Noong 2024 ay tumatak ang ginawang pelikula ni Marian Rivera na Balota para sa Cinemalaya na mapapanood na rin sa Netflix.

Show comments