Scammers, mabilis naudlot ang balak kay Rufa Mae!
Nagbabala ang actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto tungkol sa mga scammer na gumagamit ng pangalan niya.
Ipinost niya ang mga screenshot ng mga conversation ng scammer kung saan nagpakilala ito bilang si Ruffa Mae.
Makikita sa usapan na nanghihiram daw ito sa isang “doc” ng P45,000 at sinabing kailangan ito ng komedyante para sa kanyang piyansa.
Mabuti na lamang at hindi iyon nagpaloko at mukhang natunugan din agad na hindi talaga totoong si Rufa ang kausap niya.
Sa caption ni Rufa Mae ay sinabi nitong wala raw siyang kailangang financial support kahit kanino. Hindi raw siya humihingi ng pera at hindi raw niya iyon cell phone number at mas lalong hindi raw siya iyon.
Nanawagan siyang ikalat iyon na gustong manghingi ng pera sa mga kakilala niya.
Binantaan na niya ang mga scammer at sinabing huwag nang gumawa ng kwento dahil nai-report na niya ito sa abogado niya.
Kaya pinag-iingat niya ang mga kaibigan niya at nagpasalamat siya sa pagbahagi sa lahat.
Maaalalang nasangkot siya sa investment scam na konektado sa Dermacare.
Kusang sumuko si Rufa Mae at pinagdiinang wala siyang kinalaman doon.
Mauutak talaga ang mga scammer at naisipan pa talagang gamitin ang sitwasyon niya para makahingi ng pera.
Pero siyempre mas mautak si Rufa Mae noh.
- Latest