Jessy, iniyakan ang desisyon ni Luis
Hesitant sa pulitika
Tuloy na tuloy ang pagbabalik ni Jessy Mendiola sa pag-arte at wala raw siyang balak tumigil sa showbiz kahit pa manalo ang mister niyang si Luis Manzano sa darating na eleksyon.
Sa recent interview sa aktres ng ABS-CBN, sinabi niyang inaayos na raw ang reunion series nila ni Gerald Anderson na nakasama niya noon sa Budoy. Bukod dito ay may ibang shows pa raw siyang a-appear-an.
“Tuloy-tuloy pa rin ako. Actually kaka-meeting ko lang with Star Magic the other night. Meron pang inaayos na soap namin ni Gerald (Anderson), but before I do that soap with him, meron akong mga ibang show na papasukan. So abangan niyo na lang kung anong show ‘yun. As of now, for this year, baka dalawa (na show). ‘Yung sa amin ni Gerald inaayos pa ‘yung story,” sey ni Jessy.
Bukod sa kanyang showbiz career, siyempre ay hindi rin niya pwedeng pabayaan ang pagsuporta sa political career ng mister na tumatakbong Vice Governor ng Batangas.
“Mga one million percent supportive ako,” aniya. “We are very excited. And all at the same time, we are very nervous. Of course, bagong mundo ito para sa amin ni Luis and I know how hard it is.”
Nai-share rin ng aktres na nagkaiyakan pa raw sila ni Luis bago ito mag-file ng candidacy last October, 2024.
“Before talaga siya nag-file ng candidacy, nagkaiyakan pa talaga kami. Kasi sabi ko, ‘Sure ka na ba talaga na gusto mo?’ And ako din, I was a bit hesitant kasi I knew na ibang mundo ito eh.
“Kahit mga artista kami, siyempre it’s a different level of responsibility and ibang level na rin ito sa ating buhay. I told him, ‘I just want you know that whatever you decide, I’ll be here 100% to support you.’ So ‘yun ‘yung nangyari,’” kwento ni Jessy.
Sofronio, bayani ang turing kay Michael Buble!
Sa kanyang music career gagamitin ni Sofronio Vasquez ang kanyang napanalunang P5.9 million ($100,000) as grand champion of The Voice USA Season 26.
“Gagamitin ko ‘yung pera na ‘yun of course as an investment dun sa music,” sey ng singer sa panayam sa vlog ni Karen Davila.
“Kasi music talaga eh. And now I was given the chance to penetrate the mainstream which is America, gagamitin ko talaga ‘yun,” paliwanag niya niya.
“Kumbaga if I have to produce myself, if I have to reach out to people, big names, always naman akong ganun. Kumbaga, a no is a no, and a yes is a yes. So, try lang ako. Kung makatanggap ako ng no, then move on to another,” dagdag pa ng singer.
Kasama rin sa premyo ni Sofronio ay isang recording contract sa isang music label.
“Meron din po ako talagang automatic na recording label dun sa Republic Records,” aniya.
Sa isang bahagi ng panayam ay naging emosyonal ang singer habang nagpapasalamat sa kanyang mentor na si Michael Buble.
“Michael Bublé is just an amazing person. He’s so kind, he is very genuine sa akin kaya forever kong ite-treasure kung gaano niya ako minahal. Hindi man kami parehas ng lahi, pinaparamdam niya sa akin kung paano magmahal ‘yung isang tao kahit hindi mo kadugo,” teary-eyed niyang sabi.
Mensahe niya sa kanyang mentor, “if you’re watching this, thank you for this very moment and I’ll forever hold it in my heart that you are my blessing. You’re my hero na.”
- Latest