Marc Nelson, kinamumuhian sa ginawa kay Maggie
Wala raw simpatya sa ina
Sinugod ng netizens ang Instagram ni Marc Nelson para ipahayag ang disappointment nila rito sa pagkampi kay Victor Consunji at pagtestigo laban sa ex-wife ng negosyante na si Maggie Wilson.
Mga comment na “Nakakadiri ka,” “Shame on you,” “You are disgusting,” “How desperate are you to testify against a mother who’s simply longing for her son? This is why you’re a flop in the Philippines,” “You’re not even Filipino,” at “How could you conspire to keep a child away from his real mother?” ang mababasa sa IG ni Marc.
Tinawag pa siyang enabler at may nanawagan sa World Vision na palitan siyang ambassador.
Mayroon pang nanawagang i-boycott ang product na kanyang ini-endorse at may kampanya na i-unfollow siya sa social media.
Hindi pa niya ino-off ang mga hate comment sa kanya, kaya sabi ng netizens, habang open pa ang comment box ng Instagram nito, tuluy-tuloy lang ang pagko-comment para malaman nito na hindi maganda ang kanyang ginawa sa dating co-host.
Ang ibig lang sabihin nito, mas friend ni Marc si Victor Consunji kesa ex nitong si Maggie kahit kumare pa niya. Ninong si Marc ni Connor, ang anak nina Maggie at Victor na sabi ng netizens, more reasons for him not to testify against Maggie.
Dapat daw, wala siyang kinampihan sa ex-couple para hindi siya nadawit sa isyu.
Jean, pinaghahandaan ang pagreretiro!
May plano na palang mag-retire sa showbiz si Jean Garcia, kaya super sipag para may ipon siya bago mag-retire. “Mga five to 10 years na lang siguro ako aarte, magre-retire na ako. Mag-aalaga na lang ako ng mga apo at dalawa kong anak. Kaya todo kayod tayo. Saka, tatanggi ba ako sa trabahong gusto ko? Ito ang unang blessing na ibinigay sa akin ni Lord, ang bigyan ako ng trabaho na gusto ko. I-enjoyin ko na lang ang buhay sabi ni Jean sa mediacon ng Lolong: Bayani ng Bayan.”
Pabiro kasing nakantyawan si Jean ng press people na sobrang sipag niya, tila hindi marunong mapagod. Natawa rin ito nang biruin na parang matindi ang kanyang pangangailangan. ‘Yun pala, pinaghahandaan na niya ang kanyang pagre-retire.
Dagdag pa nito, habang may mga offer sa kanya na kaya naman niyang gawin, hindi niya tatanggihan. Kaya kahit katatapos lang ng Widows’ War last Friday, mapapanood na siya ngayong araw, Jan. 20, 8 p.m., sa Lolong: Bayani ng Bayan.
Excited siya sa role niya sa Lolong bilang si Donna Banzon. Maganda ang backstory ng karakter niya na maghihiganti kay Lolong.
Matagal-tagal pa naman ang five o 10 years na balak na pagreretiro ni Jean, siguradong marami pang darating na project sa kanya.
Vina, paulit-ulit ang TY
Nagpasalamat si Vina Morales sa Star Magic Philippines family, kay direk Laurenti Dyogi, “for always being there for me” dahil nga lumipat o bumalik na siya sa GMA Network.
Kasama rin sa pinasalamatan niya sina Atty. Annette Gozon-Valdes at Tracy Garcia ng Kapuso network na mga boss niya uli. “Andito na ako haha,” sabi nito.
Kasama si Vina sa bagong afternoon series ng GMA 7 na Cruz vs. Cruz sa direksyon ni Gil Tejada. Ayon sa kanya, marami sa cast ay first time niyang makakatrabaho at may ilan na nakatrabaho na niya dati sa production.
- Latest