Anak ni Saab Magalona, himalang nakalakad!

Saab at Pancho
STAR/File

MANILA, Philippines — Naantig ang puso ng mga netizen sa pinost ni Saab Magalona na Instagram Reel dahil nakakalakad na ang panganay niyang anak na si Pancho gamit ang walker.

Proud mom ang anak ng pumanaw na Master Rapper na si Francis Magalona sa achievement ng panganay niya.

Sa video ay sinabi ni Saab na hindi siya makapaniwala sa improvement ng anak.

Pitong taon na nga raw ang nakararaan mula nang sinabi sa kanila na “he wouldn’t last the night. After we were told he would most likely never be able to move.”

Hindi nga lang daw iyon dahil pinayuhan din sila na may posibilidad na bulag ang eldest son nila.

Base raw sa mga brain scan na ginawa nila ay sobrang liit lang na pag-asa ang ibinigay sa kanila ng mga iyon pero parati raw silang may pagmamahal. At ang pagmamahal daw na iyon ay patuloy na lumalago sa bawat araw na kasama nila ang anak nila ng mister na si Jim Bacarro.

Na-touch ang mga netizen sa video at hindi nga lang daw iyon milagro kundi resulta ng hard work, determination at pure love.

Hindi nga raw makapaghintay ang mga ito sa mga susunod pang achievement o kaya pang gawin ni Pancho.

Sinaluduhan ang buong pamilya nila at pati na rin ang kapatid nitong si Vito sa suporta at pagmamahal na binibigay nila kay Pancho dahil hindi nila ito sinukuan.

Maaalalang bukas si Saab sa kondisyon ng anak na merong cerebral palsy na tinatawag nilang “miracle boy.”

Makikita sa mga post ng kapatid ni Maxene Magalona na pinagtyagaan talaga ng mag-asawa ang therapy sa anak at regular nitong ibinabahagi ang updates sa bawat improvement nito sa social media.

Sa huling bahagi ng video ay sinabi niyang “The goal was never to have a perfect child. The goal has always been to raise a child who feels deeply loved.”

Show comments