^

Pang Movies

Pops, tinapon na lahat ng sama ng loob

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Pops, tinapon na lahat ng sama ng loob
Pops Fernandez.
STAR/ File

Ngayon pa lamang ay sobra nang excited ang loyal fans ng dating mag-asawang Martin Nievera at Pops Fernandez para sa kanilang nalalapit na pre-Valentine concert billed as Always and Forever on Feb. 7, 2025 sa SM MOA Arena. To be directed ng dating ka-loveteam ni Pops (when she was just starting in showbiz) na si Rowell Santiago, the concert is a joint production ng Viva Live, Star Media at DSL Productions.

Although madalas pa ring magsama ang former celebrity couple sa concert either as guest performer ng isa sa kanila or sa kanilang mga back-to-back concerts abroad, this is the only time in years na muling magsasama sa isang major concert.

As in their past concerts years ago, walang script ang dalawa dahil mas gusto nila at ng audience ang kanilang natural na batuhan ng dialogue which comes out naturally whenever they’re on stage.

Although may 25 years na ring hiwalay ang dating mag-asawa since 1999, napanatili nila ang pagiging magkaibigan dahil sa kanilang dalawang anak na sina Robin at Ram hanggang ngayon na meron na rin silang isang apo, and one-year-old na si Finn sa kanilang panganay.

Although they’re no longer physically together, they’re still a family.

Nang mag-celebrate ang kanilang apo na si Finn ng kanyang 1st birthday last Dec. 16, 2024 in Chicago (kung saan naka-base ang mag-partner na Robin at Mian Acoba), parehong dumalo sina Pops at Martin who both had a great time sa kanilang unang apo.

Si Finn ay carbon copy ng kanyang amang si Robin when the boy was his father’s age.

Samantala, lika a couple on stage at kakaiba ang kanilang chemistry when they’re both performing.

“Yung part na ‘yon ay hindi nawala sa amin ni Martin,” pahayag ni Pops. “The magic is still there,” aniya.

Ang maganda kay Pops, natuto siyang mag-let go ng kanyang negative emotions before kaya magaan ang kanyang pakiramdam ngayon and she’s friends now with her ex-husband’s ex and present partner.

“Masarap ang pakiramdam na wala kang kinikimkim na sama ng loob sa dibdib mo at wala ka ring kaaway,” katwiran pa niya.

Samantala, kamakailan lamang ay ni-launch ni Pops ang kanyang bagong business, ang sarili niyang cosmetic line (in partnership with Viva Beauty), ang PICK Cosmetics na kanyang sinimulan sa tatlong kulay ng lipstick na out na sa market sa pamamagitan ng online shopping app. Soon ay maglalabas din ng iba pang kulay ng lipstick at iba pang cosmetics products.

Bago ang PICK Cosmetics, si Pops ay matagal na ring isang concert producer featuring other artists including her ex-husband na si Martin Nievera.

Janno, nami-miss pa rin ang ama

May bagong pinagkakaabalahan ngayon ang music icon, singer-songwri­ter, actor-comedian, host at director na si Janno Gibbs, ang Wow Mani sexy gag series na napapanood on VMX since Jan. 7, 2025 at pinamamahalaan ni Dominador Isip III bilang director.

Kung ang Bubble Gang ni Michael V. ay kinu-consider na longest-running gag show sa telebisyon, ang Wow Mani naman ay kauna-unahang gag series na sexy ang format and is intended for adult audience kaya sa VMX lamang ito mapapanood.

Si Janno ay gumaganap sa dalawang character sa Wow Mani bilang  si Injanno Jones, ang adventurous explorer at si Janno Depp, ang quiz master. Kasama naman niya ang VMX sexy stars na sina Jenn Rosa, Denise Esteban, Zsara Laxamana, Chloe Jenna, Sunshine Guimary, Krista Miller, Yda Manzano, Skye Gonzaga, Salome Salvi, Christy Imperial, Sahara Bernales, Ada Hermosa, Candy Veloso, Lea Bernabe, Aliya Raymundo, Angeline Aril, Jonica Lazo, Sheena Cole at hunks na sina Nicco Locco at Aerol Carmelo.

Samantala, hindi ikinakaila ni Janno na hanggang ngayon ay nami-miss pa rin niya ang kanyang namayapang ama, ang veteran actor na si Ronaldo Valdez na sumakabilang-buhay nung Dec. 17, 2023.

“Mahigit isang taon na ring wala ang dad ko. We miss him so much laluna sa mga espesyal na okasyon,” aniya.

MOA

SM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with