^

Pang Movies

Young talent na bully, binigyan na ng warning

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Bully pala sa mga co-star niya ang young talent na ito kaya wala itong matatawag na tunay niyang mga kaibigan.

Saksi ang ilang production staff sa pambu-bully nito sa mga nakakasama nito sa taping. Kapag nawawala raw ang atensyon sa kanya ng mga tao at napupuri ang co-star niya, gagawa raw ito ng eksena para bumalik ang atensyon sa kanya.

May ugali pa raw ang young talent na ito na pumasok sa tent ng ibang artista at magkalkal sa mga gamit nila. Nahuli na raw ito minsan ng isang veteran actor at nung sitahin niya ay dinaan daw nito sa fake crying.

Itong si bully talent pala ang nagtago ng sapatos, iPad at tumbler ng kasama niya sa show. Pinaamin ito ng nakahuli sa kanya na veteran actor.

Binigyan na raw ng memo ang bully talent na ito na kapag may nag-report pa ng kanyang magaspang na ugali, kesehodang may show ito, tatapusin daw ito agad at bibigyan siya ng indefinite suspension.

Kaya wala raw choice ito kundi ang mag-behave sa set dahil may nagbabantay sa mga kilos niya.

Paris, nagtatag ng ERF para sa mga nasunugan

Kahit nawalan ng tahanan dahil sa wildfire, nanguna si Paris Hilton na magtatag ng emergency relief fund para mga nasunugan at nakalikom na ito ng $800,000 in 72 hours.

Pinamahagi na ni Paris ang $150,000 sa GoFundMe’s Wildfire Relief Fund for cash assistance, short-term housing, and delivering essentials and supplies to evacuation centers.

“Hundreds of families will receive this assistance immediately ensuring they can address their needs and begin to rebuild their lives today. My heart is with everyone affected by this devastating situation, and my team and I at 11:11 Media Impact will continue to show up. As a mom, I can’t imagine the unimaginable pain of not having a safe place for your babies, wondering how you’ll make it through so I am mobilizing to support families in need. One of my amazing partners, @Hilton, is donating 20,000 hotel room nights to help displaced families in need! Knowing these families will have a safe, welcoming place during this devastating time means everything,” paniguro pa ng hotel heiress.

At bilang animal lover din si Paris, namahagi rin ito ng funds to helping the animals na nasa custody ng LA Equestrian Center, Compton Cowboys and Pasadena Humane Society.

BULLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with