Skye Chua, ibabandera ang Pilipinas sa Italy
Buong pagmamalaking iwinagayway ni Sparkle artist Skye Chua ang Philippine flag sa opening ng 2025 FISU Winter World University Games sa Italy.
Siya ang sole representative ng University of the Philippines (UP) at ng Pilipinas para sa nasabing competition.
Bago ang 2025 FISU Winter World University Games, nakamit niya ang third place sa SEA Open Figure Skating Trophy noong nakaraang taon.
Ipinagmamalaki niya ang pagkakataong magsilbing inspirasyon sa mga kabataang Pilipino at magrepresenta ng bansa sa global stage.
Ang 2025 FISU World University Games ay ang ika-32 edition ng kumpetisyong ito, na inorganisa ng International University Sports Federation at ginaganap tuwing dalawang taon.
Mga Kapamilya loveteam, magpapabilib!
Huwag magpapahuli sa isang world-class Sunday viewing kasama ang Incognito stars na sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada at Daniel Padilla, at Kapamilya loveteams na sina Alexa Ilacad at KD Estrada, Kai Montinola at Jarren Garcia, at Fyang Smith at JM Ibarra na may nakakabilib na pagtatanghal sa ASAP ngayong Linggo (Enero 19) sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.
Aawitin ni Yeng Constantino ang theme song ng Incognito cast, habang ipagdiriwang naman ng ASAP family ang kaarawan ni Francine Diaz. Mas lalong pasayahin pa ang inyong weekend kasama sina Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at iba pa na hatid ang sing and dance performances ng trending TikTok songs.
Abangan rin ang pasabog na duet nina Jona at Klarisse, at mga icon ng OPM na sina Gary Valenciano, Martin, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Erik, Yeng, Jed, Jona at Morissette. Makakasama rin sa kasiyahan ang ASAP host na si Janine Gutierrez.
Lahat nang ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, ASAP, 12 nn sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
- Latest