Ka Tunying, nasorpresa sa sariling party

Liza at Ka Tunying

Celebrity-studded ang book launching at 50th birthday celebration ng kilalang radio and TV broadcaster, host, vlogger and successful entrepreneur na si Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na ginanap sa ballroom ng Solaire – North in Quezon City nung nakaraang Jan. 16 na nagsimula ng 2:30 p.m. na inabot hanggang gabi.

Ang Unang Ginang na si Atty. Liza Araneta-Marcos ang nanguna sa special guests ni Ka Tunying sa kanyang book launching na pinamagatang Tapatan. Ang First Lady ay kilala sa pagiging malapit sa mister ni Rossel Velasco-Taberna.

Karamihan ng dumating na kilalang celebrities ay nagmula sa mundo ng pulitika including Star for All Seasons Vilma Santos, Sen. Bong Revilla, Jr., Sen. Jinggoy Estrada, former Sen. Panfilo Lacson, ang mag-asawang Sen. Alan Peter Cayetano and Taguig Mayor Lani Cayetano, Cong. Toby Tiangco and his lovely wife na si Michelle Marcos Yap-Tiangco, Education Secretary Sonny Angara, game show host and producer Willie Revillame, Cong. Camille Villar at marami pang iba. Dumalo rin ang maraming businessmen sa nasabing okasyon.

Nagkaroon din ng Fast Talk segment ang King of Talk na si Boy Abunda with Ka Tunying. Naroon din ang singer, actress, host and entrepreneur na si Toni Gonzaga habang isa naman ang Concert King na si Martin Nievera sa special guest performers.

It was an affair to remember as far as Ka Tunying is concerned dahil hindi niya inaasahan na isang engrandeng book launching at birthday celebration ang inihanda para sa kanya ng kanyang misis, ang head ng Outbox Media Productions na si Rossel Velasco-Taberna na isa ring matagumpay na negosyante.

Ayon kay Ka Tunying, ang alam lamang niya ay meron siyang book launching not him knowing na isa palang bonggang selebrasyon ‘yun.

Present din ang kanyang ka-tandem sa Dos Por Dos radio program na si Gerry Baja kasama ang kanyang magandang  fiancée.

Samantala, ang proceeds ng mapagbibilhan ng Tapatan book ni Ka Tunying ay idu-donate sa isang non-profit organization na tumutulong sa mga taong may sakit na leukemia. Ang panganay sa dalawang anak nina Ka Tunying at Rossel na si Zoey Taberna ay milagrong naka-survive sa sakit na leukemia at magmula noon ay naging adbokasiya na ng pamilya Taberna ang makatulong sa mga taong may sakit nito.

Cup of Joe, napuno agad ang big dome

Alam mo, Salve A., wala akong idea kung gaano kasikat ngayon ang Cup of Joe Band na binubuo ng anim na young members. Sila’y former high school classmates St. Louis University Laboratory High School in Baguio City na iisa ang passion – music.

Back in school in 2018 when they were in their teens ay naisip ng magkakaibigan na bumuo ng band.  Although hindi sila mahilig ng kape biglang naisip ng isang member ang ‘cup of coffee’ na agad namang sinang-ayunan ng ibang members.

Although nabuo ang Cup of Joe in Baguio, wala among the members ang taga-roon dahil galing sila sa Abra, Isabela at Pangasinan pero gustung-gusto nilang lahat ang Baguio at malaki ang naging influence ng lugar sa kanilang anim at sa pagkabuo ng kanilang banda.

While in high school ay nakabuo sila ng isang kanta, ang Muli na kanilang in-upload sa Spotify. Hindi inaasahan ng grupo ay ito’y maghi-hit at kasunod na rito ang kanilang pag-sign up with Viva Records and Viva Artists Agency.

Hindi rin inaasahan na lalago ang fanbase ng grupo na kanilang tinatawag na Joewas at ang mga ito ang tiyak na pupuno sa two-night sold-out concert sa Araneta Coliseum sa darating na Feb. 8 & 9, 2025.

The six-year old band is now ready to conquer the Big Dome at hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang mga miyembro na sina Gian Berdino at Rafael Ridao (on lead vocals), Gabriel Fernandez (lead guitar), CJ Fernandez (rhythm guitar), Xen Gareza (keyboads) at Elian Skia on drums.

Nakatakdang awitin ng grupo ang cuts ng kanilang bagong album na pinamagatang Silakbo (Outburst) tulad ng Bubog, Multo, Kanelang Mata, Silakbo at iba pa.

Show comments