After nine years ay balik sa Kapuso network ang award-winning actor na si John Arcilla para maging kontrabida ni Ruru Madrid sa Lolong: Bayani Ng Bayan.
Tinanggap ni John ang papel na Julio sa Lolong 2 dahil sa magandang pagkakasulat ng character niya. “Ayoko gumawa ng kontrabida na caricature, na parang cartoons na walang pinanggalingan. Ako kasi usually kahit gumagawa ako ng kontrabida, hinahapan ko ‘yung part ng character na totoo at pwede mangyari sa isang tao,” sey pa ni John na huling napanood sa Pamilya Sagrado ng Kapamilya network
“‘Yung position noong character ko ay manggugulo sa buhay ni Lolong. Ang pagkademonyo rito noong character ko is mas doon pa sa ginagawa ko kaysa sa itsura ko,” sey ni John na reunited sa ilang co-stars niya sa Encantadia na kasama din sa Lolong 2 na sina Rochelle Pangilinan, Rocco Nacino, Pancho Magno, Rodjun Cruz, Tanya Gomez at Klea Pineda.
BB, ‘di na kilala ng nanay
Nag-aaral pala ngayon sa Amerika si BB Gandanghari para maging isang creative producer - Bachelor of Science in Entertainment Business Management ang kurso niya sa Los Angeles Film School.
Ayon kay BB, full-time student siya ngayon at tinutustusan ang sarili niyang pag-aaral. “There was a time I was a working student, pero umabot sa point na hindi ko na kaya so I stopped, so medyo galing lahat sa savings. I wanna be a creative producer and a creative director and work behind the camera.”
Nasa Pilipinas siya ngayon para makasama ang ina na si Mommy Eva Cariño na malala na raw ang sakit na dementia o loss of memory.
Sa isang video na pinost ni BB sa Instagram, makikitang pilit niyang kinakausap ang mommy Eva niya, ngunit hindi na ito sumasagot. “It wasn’t even a surprise to me anymore. Every time I would talk to her on the phone, she would ask ‘yung caregivers niya, ‘Sino siya?’ and it would break my heart. I would tell my friends sa Amerika na ‘I think it’s the most painful na ‘yung ‘pag sinabi ng mama mo na, ‘Sino ka?’“
Hollywood Director David Lynch, namatay sa edad na 78
Pumanaw na sa edad na 78 ang visionary Hollywood filmmaker na si David Lynch. Ilan sa critically-acclaimed films niya ay ang Eraserhead, The Elephant Man, Blue Velvet, Dune, Mulholland Drive, Lost Highway, Wild at Heart at ang TV series na Twin Peaks.
Lynch was diagnosed with emphysema in 2024 dahil sa pagiging chainsmoker nito. Na-nominate ito ng apat na beses as best director sa Oscar Awards. Nakatanggap siya ng Honorary Oscar in 2020.
Nakiramay sa kanyang pamilya ang ilang artistang nadirek niya tulad nina Nicolas Cage, Kyle MachLachlan, Laura Harring, Patricia Arquette, Naomi Watts, Isabella Rossellini, Laura Dern, Willem Dafoe, at Bill Pullman.