^

Pang Movies

Jillian, sinagot ang away nila ni Sofia!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jillian, sinagot ang away nila ni Sofia!
Jillian

Nag-react si Jillian Ward tungkol sa intrigang iringan nila ng dating co-star sa Prima Donnas na si Sofia Pablo.

Nalilito raw siya sa mga nangyayari at marami raw siyang ginagawa at iniisip sa kanyang buhay kaya wala raw siyang oras na makipag-away sa kahit sino.

Hindi rin daw niya alam ang narrative na iyon o ang tungkol sa away nila.

Focused daw siya sa kanyang showbiz career at sa mga importanteng bagay gaya ng pamilya kaya wala raw siyang oras sa mga nega. Nabanggit din niya na kasama sa pi­nagdaanan niya ang tungkol sa hiwalayan ng kanyang mga magulang.

Tingin daw niya ay ang kailangan daw nila ay mag-focus sa sarili at maging tapat sa lahat at sa sarili nila.

Maaalalang sinagot ni Sofia kamakailan ang tungkol sa diumano’y hidwaan nila.

Isa raw iyong feud na sobrang tagal na na nagsimula nang magsama sila sa programang Prima Donnas.

Tingin daw ni Sofia ay isa raw sa dahilan kung bakit hindi nila iyon naayos ay dahil hindi raw nila iyon napag-usapan.

Sey naman ng mga netizen ay normal daw talaga na nangyayari ang ma-outgrow ang isa’t isa. Minsan daw kasi ay meron tayong mga kaibigan noon na hindi na natin kaibigan ngayon. Parte raw iyon ng paglaki.

Sa realidad nga raw ay hindi naman lahat kaibigan ang mga katrabaho kaya huwag na raw intrigahin ang dalawa.

‘Kaloka.

Polo at Misis, malakas ang curry house

Talagang na-impress ako sa mag-asawang Polo Ravales at Paulyn ha.

Imagine mo ang laki ng Royal Indian Curry House resto nila na authentic Indian food ang menu. At malakas pala ang bar nila sa gabi, kaya nga ang ganda ng puwesto nila sa Il Terrazo kung saan located ang kanilang curry food house.

At talagang hands-on sina Polo at Paulyn dahil they make sure nandu’n sila para ma-oversee ang operation ng eatery.

Bongga talaga.

JILLIAN WARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with