Angel, babalik na!

Angel

Finally ay na-recover na ni Angel Locsin ang kanyang X (dating Twitter) account matapos itong ma-hack earlier this week.

Last Wednesday ay kaagad ngang nag-post ang aktres matapos niyang ma-recover ang account.

“Hello everyone long time no chat. I just wanna say I have recovered my X account (totoo na to, pramis ) Thank you sa mga tumulong and @X for helping. I miss you all and ingat lagi,” ang tweet ni Angel.

Ito rin ang first tweet ng aktres matapos ang two years na pamamahinga sa social media.

Pero marami pa rin ang duda kung si Angel ba talaga ang nag-tweet. Anang isang netizen, “Pag na confirm to ni neil arce tsaka ako maniniwala.”

Sinagot naman ito ng aktres at nag-call out sa mister.

“Mahal ko, paki-confirm,” mensahe ni Angel kay Neil Arce.

Sumagot naman agad si Neil ng “account recovered.”
Bukod dito ay nag-post din ang hubby ni Angel sa kanyang Instagram Story.

“Account of Angel has been retrieved,” post ni Neil sa IGS.

Maging sa kanyang Facebook account ay nagparamdam na rin si Angel. Nagpasalamat siya for reaching 25 million following with matching photo.

Sa larawan ay makikita ang close-up ng face ng aktres habang may hawak siyang paper na may nakalagay na 25M. Hindi lang namin alam kung latest photo ba ito or luma na.

“25 Million. Thank you,” caption ni Angel.

Natuwa naman ang fans na muling makita ang idolo nila kahit sa socmed man lang.

Vic, ninanamnam ang pagdra-drama

Masayang-masaya si Vic Sotto sa magandang resulta sa takilya at positive reviews ng Metro Manila Film Festival entry niya na The Kingdom.

“It has become a very big hit,” natutuwang sabi ni Bossing Vic sa presscon ng bago niyang endorsement na Sante Barley.

“We’ve been receiving a lot of good reviews, good comments. As a matter of fact, tuwang-tuwa nga ako du’n sa isang nag-comment na, ‘Vic Sotto is in the wrong genre for so many years,’ sabi niya.”

Biro pa niya, baka nga raw mag-shift na siya to being a dramatic actor.

But seriously, aniya, “Kidding aside, ninanamnam ko pa ‘yung pagtanggap sa akin ng mga manonood ng pelikulang Pilipino. Na nung una, parang kabado ako, eh. Tatanggapin ba ako in a serious role from start to finish? Tatanggapin ba nila na ako’y matetegi (mamamatay)? Para dun sa mga hindi nakapanood, sorry, spoiler alert.”

Inamin din ni Vic na nang mapanood niya ang movie, nasulit ang lahat ng pagod niya.

“So, nakita ko ‘yung outcome. Pinanood ko ‘yung… after viewing the film, sulit lahat ng pagod. Dahil I must admit, talagang sobrang pagod ‘yung paggawa namin ng pelikula.

“For so many months, I was memorizing my line, I was in front of the mirror. Tinitingnan ko ‘yung sarili ko, ‘ano ba hitsura ko kapag nakasarado ang kilay?’ ganu’n.

“Paano ko maipo-portray ‘yun? With the help of my best director Michael Tuviera, at sa tulong din ng mga kasama ko sa pelikula.

“Kasi, they served as an inspiration for me, eh. Nakita ko kung gaano kaseryoso si Piolo (Pascual), gaano kaseryoso si Sid Lucero. Pati ‘yung mga anak kong babae, si Cristine (Reyes) saka si Sue Ramirez.

“They were very serious about their roles. Talagang they were giving it all, one hundred percent,” kwento niya.

“So when I was watching the finished product, I felt that I was an amateur compared to these actors and actresses.

“Pero it paid off. Kumbaga tanggal lahat ‘yung pagod ko, ‘yung puyat namin. We started filming July. We finished almost December na. Dahil na rin siguro sunud-sunod ‘yung bagyo. Dami naming pack-up.

“It’s all worth it. Sulit. Sulit naman talaga lahat ‘yung pagod,” proud na sey ni Bossing.

Show comments