Julia, kasali sa kasal nina Shaira at EA

Julia at Shaira

Nagbigay na ng ilang updates si Kapuso Mor­ning Sunshine Shaira Diaz sa wedding plans nila ng fiancé at kapwa aktor na si EA Guzman.

Matatandaan na August noong nakaraang taon nang simulan na nina Shaira at EA ang pagplano sa kanilang kasal.

Sa panayam nila ni Ruru Madrid sa Fast Talk with Boy Abunda, sinigurado ni Shaira na mangyayari ang kasal ngayong 2025, ngunit wala pang ibang binigay na detalye kung anong petsa ito.

Ayon pa kay Shaira, ang gown na gagamitin niya ay manggagaling sa Korea. 

“Kasi sobrang love ko ‘yung Korea, ‘yung culture nila, mahilig ako sa K-drama, sa K-pop, sa BTS, kay Jung Kook, so parang gusto ko, Tito Boy, lagyan talaga ng ‘yung something very personal sa’kin.”

Pinili nila ni EA na gawin ang kanilang kasal sa Silang, Cavite dahil “tahimik, away from the noise,” at sinabing dream church wedding niya ang gagawin nila.

“Very intimate lang po, close friends and family,” sabi ng aktres.

Pagdating naman sa mga entourage, ilan sa mga binanggit ni Shaira ay sina Arra San Agustin, Unang Hirit co-hosts niya na sina Kaloy Tingcungco at Anjo Pertierra, at aktres na si Julia Montes.

“Lahat, nandiyan sila, excited sila. ‘Yung mga naka-witness ng love story namin from the very start, nandiyan po sila,” sabi ni Shaira.

Pagbabahagi rin ni Shaira na tahimik lang ang kanilang wedding preparations dahil hinahayaan lang siya ni EA magdesisyon para sa kanilang kasal. Tuwing may nakikita siyang ideya na gusto niyang isama sa kanilang kasal, ipapadala lang niya ito kay EA at papayag na ito.

“Kasi sabi niya nga, ‘yung kasal is for the bride talaga e. Parang ‘yun ‘yung day ng bride, so binibigay niya sa akin ‘yun. Walang away, walang pressure, walang stress,” saad pa ni Shaira.

Euwenn, sa baluarte nag-birthday

Nakatanggap ng birthday surprise si Euwenn Mikaell mula sa cast at crew ng ginagawa niyang pelikula. 

Ipinagdiwang ng award-winning Kapuso child actor ang kanyang 12th birthday noong Jan. 14.

Kasalukuyang nasa Ilocos Sur siya para sa ginagawang bagong pelikula.

Sa isang Instagram post, ipinakita niya ang selebras­yon ng kanyang 12th birthday kasama ang cast at crew ng naturang upcoming movie. 

Ilan sa mga aktor na makakasama niya sa pelikula ay sina Pambansang Ginoo David Licauco, Liezel Lopez, Buboy Villar, Chariz Solomon, Betong Sumaya, at Jay Ortega.

Tuwang-tuwa ang mga cast at crew habang ipinag­darasal ni Euwenn Mikaell ang kanyang birthday wish bago hipan ang birthday candle.

Bukod sa pamamasyal sa beach at pagsu-swimming sa pool, nilibot din ni Euwenn ang Baluarte Zoo sa Ilocos Sur.

Show comments