Heart, iniintriga sa alagang ‘Queen P’

MANILA, Philippines — Pinag-usapan ang post ng Global Fashion Icon na si Heart Evangelista tungkol sa kanyang furbaby na si Panda.

Halu-halo ang reaksyon ng mga netizen sa caption ng misis ni Sen. Chiz Escudero kung saan sinabi nitong “Queen P finally made time for me (kiss mark emoji) @pandaongpaucoescudero”

Nilagyan ng malisya ng mga marites ang caption nitong “Queen P” at ikinonek kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Havey na havey sa fans ang pa-shade ni Heart at ang witty raw nito. Habang ang iba naman ay hindi nagustuhan ang ginawa niya.

Pinayuhan pa siya na hindi raw classy at pagiging insecure raw ang peg niya.

Dinepensahan naman si Heart ng mga tagahanga niya at sinabing matagal na raw nitong tinatawag na “Queen P” ang furbaby niya. Kahit i-check pa raw ang social media account nito ay makikitang bago pa raw mag-pandemic ay ganun na ang tawag niya kay Panda.

Ngayon na lamang daw ito nilalagyan ng malisya na nag-swak lamang daw talaga sa intriga sa kanila.

Mukhang hindi rin daw iyon gagamitin ni Heart na paraan para ikonek pa sa beauty queen ang kanyang furbaby dahil mahal na mahal niya iyon. Hindi raw nito gugustuhing mahaluan ng ‘hatred’ ang kanyang ‘baby.’

Maaalalang nagsimula ang diumano’y hidwaan ng dalawa nang kunin ni Pia ang dating glam team ni Heart, kung saan hindi maganda ang naging paghihiwalay nila.

Sinabi na rin noon ng Queen of Creative Collaborations na wala raw siyang problema kay Pia. Pero sinabi rin niya sa isang presscon nakaraang taon, “It’s the people she chose to surround herself with for specific reasons that makes this whole thing problematic.”

Nagbigay rin siya noon ng mensahe kay Pia na sana raw hindi mangyari roon ang nangyari sa kanya.

Kaya kada post ni Heart ay laging ikinokonek ng mga basher kay Pia. 

Show comments