^

Pang Movies

Pamilya ni Alden, umalma sa kumalat na litrato sa burol ng lolo!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pamilya ni Alden, umalma sa kumalat na litrato sa burol ng lolo!
Alden Richards

Nakiusap ang tatay ng Kapuso actor na si Alden Richards na si Richard Faulkerson na burahin ang mga litratong kumalat mula sa lamay ng lolo ng aktor na pumanaw.

Wala palang pahintulot ang pag-post sa mga photo mula sa wake ng Lolo Danny ng aktor. Makikita roon ang pakikiramay ng mga celebrity gaya nina Joross Gamboa at Kathryn Bernardo.

Nagkomento ang tatay ni Alden at nanawagan na burahin ang mga iyon dahil wala raw pahintulot ang pag-post sa mga iyon.

Maayos naman ang paraan ng pagkakasabi niya na “No permission at all. Please delete. Thank you.”

At humingi rin ito ng respeto at sinabing “Respect… please.”

Wala raw sa pamilya nito ang nag-post tungkol sa pagpanaw ng kanyang lolo pero ang ibang tao raw ang nag-post noon at pinagpiyestahan nga ng fans nila lalo na nang makita ng mga ito na naroon si Kathryn.

Mukhang mas pinili ng pamilya nilang isapribado ang pagluluksa.

Ayon sa mga netizen ay ang pari raw ang unang nag-post noon na tila nasabik daw kaya lang ni-repost ito ng mga tagahanga at hindi siguro inasahan na hindi iyon magugustuhan ng kampo ng Hello, Love, Again actor.

Binura naman na raw ang original post ng pari at sana raw ganundin ang gawin ng mga nag-repost noon.

Ang ilan daw kasi sa mga fan ay mas kinilig pa at nakalimutang nagluluksa ang idolo nila. Kaya payo ng iba ay ilugar daw ang pagiging fan nila.

‘Kaloka.

ALDEN RICHARDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with