Nicole, kakaiba ang pakiramdam sa second baby nila ni Mark

Nicole Donesa

Nag-share ang wife ni Mark Herras na si Nicole Donesa ng kanyang mga kakaibang nararanasan sa ikalawang pagbubuntis nito.

Ayon sa latest vlog ni Nicole, she tested positive for pregnancy noong November 2024. “My period never came. Ever since I tested positive up until now, no period has arrived.

“Some changes that I’ve seen that make me think I am pregnant is I keep peeing a lot... Second, I just feel so tired. I feel so sleepy all the time. I just want to take a nap, napakadali kong matulog ngayon.”

Pati raw pang-amoy at eating habits niya ay biglang nag-iba. “I have been eating, I get hungry but then I feel like I want to throw it up afterwards. My sense of smell is crazy strong, I don’t remember this with Corky... My smell is strong I feel like I have a superpower. I don’t want it to go away,” tawa pa niya.

Gusto raw sana niya na baby girl naman ang second baby nila ni Mark.

“Ako, honestly, okay lang din sa akin kahit lalaki. I love being a boy mom. Iba ang lambing, I love being their queen. Kahit ano, guys, basta healthy and happy. Nagkaroon na finally ng kapatid si Corky.”

Zeinab at Bobby, pinaghahandaan na ang kasal

Marami ang nakakapansin na hindi lang basta adorable kids ang mga anak ni Zeinab Harake kundi sila rin ay mayroong magandang ugali.

Sa bagong vlog ni Zeinab tungkol sa kanilang nakaraang Christmas party, tampok ang pagbibigay nila ng kanyang fiancé na si Bobby Ray Parks Jr. ng mga regalo.

Labis na natuwa sina Zeinab at Ray nung makita nila ang priceless reactions nina Lucas at Zebbiana habang binubuksan ang kanilang Christmas gifts.

Ayon sa netizens, very appreciative ang dalawang bata at talaga namang kapansin-pansin na maayos ang pagpapalaki sa kanila.

Bukod sa regalo ng kanilang Mommy Zeinab at Daddy Ray, masaya rin sila sa mga ibinigay ng kanilang mga kasama sa bahay.

Samantala, pinaghahandaan na ng engaged couple na sina Zeinab at Ray ang kanilang upcoming wedding.

Show comments