BB, inaming maraming nawalang kaibigan

BB Gandanghari

Inamin ni BB Gandanghari na marami siyang mga kaibigan na iniwan siya noong magdesisyon siyang maging transwoman 16 years ago. “It wasn’t easy. It’s the hardest. Contrary sa mga akala ng iba na everything was honeymoon, or everything was on a bed of roses. No, it was very difficult.”

Ang biglang pagkawala niya at ‘yung pagputol niya sa pakikipag-communicate ang naging dahilan kung bakit siya iniwan ng mga kaibigan. “I understand. Kasi hindi naman nila alam ‘yung pinagdaraanan ko. Siguro parang akala lang nila, akala lang na marami is, ‘She just disappeared,’ dahil hindi na tayo kilalang lahat. But on the contrary, it’s really part of the transition.”

Taong 2006 nang aminin ni BB (as Rustom Padilla) na siya ay gay. Naganap ang pag-amin niyang ito noong maging housemate siya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition.

In 2009, binulabog ni Rustom ang marami nang bumalik siya sa Pilipinas na nakadamit babae at pinalitan na niya ang name niya to BB Gandanghari. Sabay sinabi niya na “Rustom is dead!”

Nagsimula na sa kanyang transition si BB in 2017 at nag-celebrate siya ng kanyang 8th anniversary as a transwoman.

Nikki, ‘di ramdam ang giyera!

Puring-puri ni Nikki Valdez ang production staff ng Lolong: Bayani ng Bayan dahil sa very warm welcome sa kanya. “Noong hindi pa naman uso ‘yung network war, nakakapag-guest ako sa GMA. Actually, I was part of Unbreak My Heart na collab ng GMA and ABS-CBN in 2023. Now I’m in the cast of Lolong as the aunt of Ruru Madrid. 

“Sobrang bait nila sa akin. Never nilang pinaramdam sa akin na, you don’t belong here or that you’re not welcome. Sobrang friendly nila rito. At saka kami naman mga artista, kahit na magkakaibang bakod kami, magkakaibigan kaming lahat.”

Napagsabay pa niya ang taping ng Lolong at rehearsals niya para sa pagbibidahan niyang stage musical in February na Next To Normal. “Nagsabay ‘yung dalawa, pero ang GMA ang nag-ayos ng schedule ko kaya I was able to rehearse para sa musical. Kaya I feel so blessed this year with two big projects na sabay kong ginagawa.”

Na-launch si Nikki in 1997 via Star Circle Batch 4 kunsaan kasabay niya sina Dimples Romana, Kristine Hermosa, Julia Clarete, Carol Banawa, Dominic Ochoa at Jericho Rosales.

Show comments