^

Pang Movies

Coco, nagpaliwanag kung ba’t biglang inilantad ang relasyon kay Julia!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Coco, nagpaliwanag kung ba’t biglang inilantad ang relasyon kay Julia!
Coco at Toni

Marami ang natutuwa na open na si Coco Martin ngayon tungkol sa kanyang relasyon kay Julia Montes unlike few years ago na talagang napaka-secretive niya when it comes to his love life.

Sa panayam ni Coco sa Toni Talks vlog ay pinuna rin ito ng host na si Toni Gonzaga.

“Naalala ko nu’ng 2015, itanong mo lahat sa kanya, bold, lahat, indie, itanong na lahat pero ‘wag mong tatanungin sa love life ‘yan,” kwento ni Toni habang tawa naman nang tawa si Coco.

Kaya raw kapag nag-uusap sila noon ng aktor ay puro tungkol sa trabaho at sa mga pangarap nito ang kanilang pinag-uusapan.

“Pero ngayon, open ka na,” sey ni Toni kay Coco.

Paliwanag naman ng aktor, “actually, hindi ako open. Mayroon lang akong mga certain na kahit paano, sine-share ko.”

Sey pa niya, ayaw naman daw niyang i-deprive si Julia sa mga bagay na dapat nitong maranasan sa isang karelasyon.

“Ayoko namang ipagkait kay Juls na ni hindi man lang kami makalabas, makakain, ‘di ko man lang siya masuportahan,” he said.

Kantyaw ni Toni, “uy, ngayon, sumu-support ka na! May pa-bulaklak na! Wow! This is really the new Coco! ‘Eto na talaga ang bagong Coco! May pagka-showy na talaga siya.”

Aniya pa, expressive na raw ang aktor ngayon.

Natatawang nahihiya naman si Coco at sey niya, “hindi naman.”

Pero seryosong paliwanag ng aktor, ayaw na raw niyang itago pa ang kanilang relasyon.

“Alam mo kasi, Tin, kasi kami dati, nakatago, eh. Siyempre minsan, alam ko, hindi man niya sa ‘kin sinasabi, na para bang ‘ano ‘to, habang-buhay na lang na para bang… parang never mo kong…’ alam mo ‘yon, ‘di ba?” sey ni Coco.

Gusto naman daw niyang ipakita sa lahat ang pagmamahal kay Julia even in a simple way katulad ng pagdadala ng flowers sa set or sa premiere night ng proyekto ng aktres.

Talaga raw hindi siya sanay sa mga ganito at ikinuwento ang isang experience na halos ayaw niyang iabot ang flowers kay Julia dahil nahihiya siya.

“Nahihiya ako, eh. Kasi, parang corny, hindi ko personalidad,” natatawang sabi ng aktor.

“Hindi ko alam ang gagawin ko, parang awkward sa ‘kin, eh,” dagdag pa niya.

Pinuri naman ng netizens ang pagiging conside­rate ni Coco hindi lang sa girlfriend kundi sa kanyang buong pamilya rin.

Pero na-hack...Angel, nagparamdam sa X!

Pagkatapos ng ilang taong pananahimik sa showbiz at maging sa social media, lumantad si Angel Locsin kahapon para ianunsyo na na-hack ang kanyang X (dating Twitter) account.

Sa verified Facebook account ni Angel inanunsyo ang tungkol sa na-hack na account kasabay ang pagbibigay-babala sa publiko.

“Warning.

“A series of reposts was made by Angel Locsin’s X account @143redangel yesterday. This was not Angel.Please do not click on the links posted,” ang announcement sa FB page ni Angel.

“She is currently working on getting back access to her account,” saad pa.

Sa isa pang post ng team ni Angel ay binigyan din ng babala ang publiko tungkol dito.

“ATTENTION: Please note that @143redangel, Angel Locsin’s account on X (formerly Twitter), has been hacked. Any replies or tweets from this account are not from Angel. Please be cautious,” post ng team ng aktres.

Maging ang asawa ni Angel na si Neil Arce ay nag-post din sa kanyang Instagram Story para ipabatid ito.

“X account of Angel was hacked,” ang saad ni Neil.

COCO MARTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with