Vic, kaya pa ang third baby
MANILA, Philippines — Okay na okay pa rin daw kay Vic Sotto na sundan ang ang bunsong anak nila ni Pauleen Luna na si Baby Mochi. Ang tanungin nga raw ay ang misis niya kung kaya pa ang baby no. 3.
“Ewan ko kung kaya pa ni Pauleen,” natatawang sey ni Bossing sa launching niya as the new Ambassador of Sante Barley na ginanap kahapon sa Luxent Hotel.
“Ako, kaya pa, eh. Ewan ko sa kanya, tanungin n’yo,” dagdag pa niya.
Sa ngayon ay mag-iisang taon na raw ang kanilang bunso ngayong January.
“Ang bilis nga ng panahon. And we’re so thankful to God that we’re healthy, very beautiful baby, at medyo nakakatayo na. Nakakatayo na ng mag-isa niya, pero mga 2 seconds lang, bagsak ulit,” kwento ni Bossing.
Kung masusundan pa raw ng baby no. 3 ay bahala na raw si Lord. Kung hindi naman daw ay okay na siya sa dalawa.
Gusto ba niya ng baby boy naman this time?
“Okay na, ang dami kong apong lalaki, ang gugulo. Anak ni Oyo, 5 lalaki. Tapos si Danica, may 2 lalaki. ‘Pag nasa bahay, parang may riot parati sa bahay namin ‘pag nandu’n ‘yung mga apo kong lalaki.
“Okay na sa akin ang mga babae, they’re very sweet, they’re very malambing. I always look forward to going home kasi tanggal lahat ang pagod ko sa trabaho ‘pag nakita mo na ‘yung mga anak mong mababait,” sey ni Vic.
Samantala, dahil kilala si Bossing sa kanyang commitment sa malusog na pamumuhay, sa kanyang koneksyon sa kanyang fans, at siyempre ang kanyang dynamic onscreen presence, kaya naman siya ang napisil ng Sante Barley na perfect na maging ambassador ng produkto.
Excited si Bossing sa partnership. Aniya, “Honored ako to join Santé Barley sa kanilang misyon na i-empower ang mga Pinoy na mumuhay ng mas maayos. Good health is a gift, and we all have the power to nurture it with the right choices. May tiwala ako sa Santé Barley at excited ako na ibahagi ito sa mga tao.”
- Latest