Priscilla, ayaw tawaging broken kay John!

Priscilla

MANILA, Philippines — Malaki na ang ipinayat ng Brazilian model-actress na si Priscilla Meirelles.

Ipinost ng misis ni John Estrada ang kanyang body transformation at makikita sa photo ang pagkalutang ng kaseksihan nito.

“Ever wondered how I transformed my weight from 83 kg to 65 kg (183 pounds to 143 pounds) in just 5 months at 41 years old?” simula ng kanyang post.

Pinaghirapan daw talaga niya ang pagpapayat at hindi raw magic pill o surgical procedure ang sikreto niya kundi, sey niya “unwavering focus, determination, and a complete overhaul of my lifestyle and diet. Along the way, I embraced detoxing, too.”

Kailangan nga raw ng malaking pagbabago sa kanyang mindset para maabot ito at dagdag pa niya, “This journey demanded a profound shift in my mindset, tapping into the power of affirmations and visualization techniques, not to mention the support of an incredible network.”

Kung kaya nga raw niya ang pagbabalik-alindog ay kaya rin daw ng iba.

Kaya sa mga gusto raw malaman kung paano ay tingnan na lamang ang kanyang post para malaman ang mga sikreto niya.

Marami namang netizen ang na-inspire sa kanyang ginawa. May nagtanong kung ano ang diet plan niya na sinagot naman niya ng soon daw ay ilalantad niya ito sa kanyang podcast.

May netizen naman na nagsabi na kapag brokenhearted daw ang isa sa mga motivation para mabawasan ang timbang na ginagawa raw ng maraming kababaihan.

Pero kinontra ito ng ex-beauty queen at sinabing “my heart is not broken” na may kasamang relieved at winking emoji.

Maaalalang matapos mamataan ang mister niyang si John kasama ang isang babae sa bar ay sunud-sunod ang naging cryptic post ni Priscilla.

Tila sinubukan nilang ayusin ang gusot sa relasyon nila pero nagkomento rin ito sa mister ng “looking very divorced” sa Boracay trip nito nakaraang taon at may tinag pa itong babae na nagngangalang Lily Hallman.

Doon sinabi ng FPJ’s Batang Quiapo actor na may “mutual breakup” sila na tinanggi ni Priscilla.

Nabanggit na rin noon ni Priscilla sa programang Fast Talk With Boy Abunda na nasa limit na siya at kung anuman ang mangyari ay na kay John na raw iyon dahil ginawa niya na ang kanyang parte.

Namataan pa ang dalawang magkasama sa Formula One Grand Prix event noong Setyembre nakaraang taon pero sinabi ni Miss Earth 2004 na trabaho lamang ang pinunta niya roon.

Nanahimik na ang dalawa sa estado ng relasyon nila sa kasalukuyan pero sa tingin nga ng netizens ay napuno na ito sa mister.

Ngayon nga ay mas focused na siya sa kanyang sarili.

Show comments