^

Pang Movies

Ruru, sinuswerte!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang suwerte naman ni Ruru Madrid.

Matapos masungkit ang best supporting actor trophy mula sa 50th Metro Manila Film Festival (Green Bones), nasa primetime slot na ulit ang actor, sa Lolong: Bayani ng Bayan, ang second season ng Lolong.

Sa katatapos na media launch, hindi maubos-ubos ang pasasalamat ng tinaguriang Kapuso Primetime Action Hero sa avid viewers at sa lahat ng bumubuo ng show.

“Tulad nga po ng sinabi ko kanina to GMA Public Affairs, thank you very much. It’s my parang sixth consecutive project with you, guys, and masasabi ko na hindi ako magsasawa na makatrabaho kayo because I know that you, guys, are very suppor­tive and collaborative pagdating sa lahat ng mga bagay na ginagawa natin,” pagdidiin ng actor.

Pagtutulungan aniya ang sikreto ng tagumpay ng bawat proyekto.

“Walang alpha, walang diktador, at ’yun siguro ‘yung magic ng Lolong. Grabe, para akong nananaginip na meron na tayong bagong yugto ng Lolong,” patuloy niya.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng nakasamang artista mula season 1 at nangako na mamumuhunan ng dugo’t pawis para sa hangarin ng programang makapagbigay-inspirasyon sa manonood.

 “Kasama n’yo po ako anumang klaseng problema, anumang klaseng pagsubok, sama-sama nating lalabanin ‘yan at sama-sama tayong abutin ang tagumpay na ating inaasahan,” dagdag ng jowa ni Bianca Umali.

 Mas matinding aksyon at drama umano ang matutunghayan ng viewers sa seasong 2 kasama pa rin ang mga minahal nilang karakter nina Shaira Diaz, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Mikoy Morales, Alma Concepcion, Maui Taylor at Jean Garcia.

 Ilan naman sa mga dagdag sa cast sina Rocco Nacino, John Arcilla, Martin del Rosario, Klea Pineda at Tetchie Agbayani at introducing ang child actors na sina Ryrie Sophia at Drey Lampago, co-directed by King Mark Baco and Rommel Penesa, ang Lolong: Bayani ng Bayan ay mapapanood weeknights simula Jan. 20 sa GMA Prime.

RURU MADRID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with