Natatakot na ang mga kilalang celebrities na maranasan ang nangyari kina Neri Naig at Rufa Mae Quinto, kaya nag-iingat na sila ngayon sa pagtanggap ng mga endorsement.
Kapag nagkakaproblema sa kumpanya o produktong ini-endorso nila, kaagad na ipinagbigay alam nila sa publiko na wala silang koneksyon dito kapag na-terminate ang kontrata.
Kahapon lang ay ipinost ni Atty. Joji Alonzo sa kanyang Facebook account na wala nang koneksyon ang kliyente niyang si Ivana Alawi sa isang ini-endorso nito.
Hindi lang idinetalye ni Atty. Joji kung ano ang problema. Doon lang daw muna sa inilabas niyang official statement.
Aniya; “This is to inform the public that Ms. Ivana Alawi is no longer connected with the brand LVNA By Drake Dustin.
“It will be recalled that Ms. Alawi first became an endorser and eventually an investor of LVNA By Drake Dustin—Cebu branch. As legal concerns arose in the contract between Ms. Alawi and Drake Dustin, there had been a verbal agreement to rescind their agreement.
“The matter on formal rescission of the agreement has already been filed and is now before the Regional Trial Court.
“As such, the use Ms. Alawi’s name or image for purposes of LVNA’s brand endorsement or business dealings is considered unauthorized and must not be recognized in any capacity.”
Na-goggle din naming isa sa endorser at shareholder nito ay si Andrea Brillantes. Pero wala pa naman kaming nababalitaang may isyu siya sa naturang kumpanya.
Para sa ikalilinaw ng lahat, bukas ang pahinang ito sa panig ng LVNA By Drake Dustin.