Kinuwento ni Antonio Vinzon, anak ng veteran actor na si Roi Vinzon, na hindi siya nakaligtas mula sa pambu-bully dahil sa kanyang katabaan noong bata pa siya. “Noong bata po ako, sobrang tabain talaga ako dati. And grabe po ‘yung discrimination, I get bullied everyday for a couple of years,” ayon sa Kapuso young actor.
“Baboy,’ ‘pooka fish,’ ‘bumalik ka sa nanay mo.’ Lagi po akong binu-bully kaya nawawalan po ako ng confidence. Sometimes I want to quit na sa school dahil sa bullying. Sinusuntok ako everyday ng mga hindi ko kilala,” sabi pa ni Antonio.
Sa kabila ng naranasan, hindi raw ito ikinuwento ni Antonio sa kanyang mga magulang. Dahil sa naranasang pambu-bully, sinubukan niyang magbawas ng timbang.
“Nagulat nga po sila bakit ako pumayat agad for two months lang. Hindi po ako kumain, nag-diet po talaga ako. Hindi ako kumakain ng pagkain, inom ng tubig, ‘yun lang ang ginagawa ko sa buong buhay ko for two months. Na-shock po sila sa transformation ko na pumayat,” sabi niya.
Ayon pa kay Antonio, mula 20 hanggang 40 pounds ang nawala sa kanya.
Nikko, sanay sa broken family
Naging bukas si Nikko Natividad sa kanyang saloobin noong mangibang-bansa ang kaniyang mga magulang at lumaki siya sa broken family.
“Lumaki ako sa broken family. ‘Yung daddy ko, umalis siya wala pa akong three years old, nag-Japan na siya. Fourteen years siya roon.
“Then ‘yung mommy ko naman, siyempre may iba ng pamilya, nag-London din siya. Lumaki ako sa ‘yung typical, sa mga lola, tita, pasa-pasa.
“Kaya noong nakita ko sila noong umuwi sila, ‘yung may ilang,” ayon sa aktor.
Mapapanood si Nikko sa season 2 ng Kapuso action series na Lolong: Bayani ng Bayan na pagbibidahan muli ni Ruru Madrid.