^

Pang Movies

Glaiza, marami nang alam sa Irish tradition

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Glaiza, marami nang alam sa Irish tradition
Glaiza de Castro

Hindi nakakapagtaka kung bakit enjoy si Glaiza de Castro na tumira sa hometown ng kanyang mister na si David Rainey sa  Northern Ireland.

Kahit daw parating malamig doon, nakakapasyal pa rin ang Kapuso actress at marami siyang nakikitang bago araw-araw.

“Simple joys of life: morning walks, winter sunshine, and fresh snow,” caption ni Glaiza sa isang post sa Instagram.

Sa Northern Ireland nga raw nag-Pasko si Glaiza last year at marami siyang nalaman na mga Irish traditions. Naturuan din daw niya si David sa ilang Christmas traditions natin sa Pilipinas.

Kapag may trabaho lang umuuwi ng Pilipinas si Glaiza. Dahil married na sila ni David, kailangan daw tumira siya sa Northern Ireland ng limang taon para maging legal citizen siya.

“Puwede naman ako mag-work dito ng ilang months, pero kailangan bumalik pa rin ako sa Northern Ireland dahil nandoon ang mister ko,” paliwanag ni Glaiza na mapapanood ulit bilang si Pirena sa Encantadia Chronicles: Sang’gre.

Mura, naghahanap ng trabaho

Nagpapasalamat ang komedyanteng si Allan “Mura” Padua dahil nakatanggap siya at ang kanyang ama ng libreng medical check-up at ayuda mula sa GMA Kapuso Foundation.

Binisita ng naturang foundation si Mura nang magkaroon sila ng relief operations sa Bicol Region.

“Dasal ko po na bigyan Niya ako ng karagdagang lakas para syempre magampanan ko ‘yung tungkulin ko rito sa pamilya namin. Kung sakali, baka pwede pa maging artista ulit,” hiling ni Mura na huli napanood sa teleserye na Enchanted Garden ng TV5 noong 2012.

Matagal na hindi naging aktibo sa showbiz si Mura dahil naaksidente ito noong 2010 at nagkaroon ng broken hip. Noong gumaling ito, nahirapan na ito sa paglakad.

“Sinemento siya, may casting siya, so humilom naman siya kaya umikli naman konti ‘yung paa ko, siguro dalawang pulgada. Minsan nadadapa na lang ako,” kuwento ni Mura na nasunugan din ng bahay sa Albay noong April 2024.

Oprah, muntik din masunugan

Sa Santa Barbara, California nakatira si Oprah Winfrey kaya malayung-malayo ito sa panganib ng wildfire na tumupok sa maraming communities sa Southern California.

Pero nagkaroon din ng nakakatakot na experience ang Queen of Talk sa sunog nang magkaroon ng wildfire sa Lahaina, Hawaii noong August 2023.

Nataon daw na nasa kanyang property sa Hawaii si Oprah noong mangyari ang wildfire na kumitil sa buhay ng 102 people.

“At the time, the smoke covered the sun and half the sky. None of us could imagine the apocalypse of death and destruction that would come,” pag-alala ni Oprah.

Agad nga raw nagpadala ng tulong si Oprah para sa mga nasa evacuation centers, at iba raw na nandoon ay kanyang mga kaibigan. May iba raw na pinasundo niya at pansamantalang nakatira sa kanyang bahay sa Santa Barbara.

“I’m preparing dinner for people whose lives have been affected by the fires and are taking respite at my home.

“We will be giving thanks for the refuge many have been able to find after being forced to leave their homes; praying for those having to process unimaginable loss; and expressing our gratitude to the firefighters who continue to put themselves in harm’s way. I hope that, if you can, you’ll do the same,” sey ni Oprah.

 

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with