Patuloy na nagpapasalamat si Keempee de Leon na nagkaayus-ayos na silang buong pamilya.
Ikinuwento niya sa nakaraang media conference ng Prinsesa ng City Jail kung paano sila nagkaayos ng daddy niyang si Joey de Leon.
Pati pala ang mommy niyang si Daria Ramirez ay okay na rin daw sila pagkatapos nilang nawalan ng komunikasyon ng dalawang taon. “Sa Mommy ko ganundin nangyari, two years kaming hindi nagkita. Nakita ko na lang sa interview niya kay Ogie (Diaz).
“Nawala ‘yung koneksyon namin. Hindi ko nga alam kung binlock niya ako. Until such time dumating ‘yung mga taga-GMA, mga movies hinahanap siya. ‘Uy may inquiry kami sa Mommy mo. Sayang, My, trabaho ‘to, para rin sa ‘yo ‘to. I tried to look for her, Facebook, wala. Tinatawagan ko tapos nag-ring siya tapos dina-drop. Naka-block ba ako o ano. So, hindi namin alam, nasira pala ‘yung phone niya na twice pala nasiraan ng phone. Na-hack daw,” saad ni Keempee.
Mabuti na lang at nakita raw ng pamangkin niya ang FB account ng mommy niya at doon nila na-contact. “By God’s grace, eto naman ‘yung sa Facebook na ‘people whom you know.’ ‘Di ba may ganun na ina-add mo? Nagkataon naman nu’n ‘yung pamangkin ko si Sofia, anak ni Cheenee, nakita niya mommy ko, Lydia de Leon. So, in-add niya. Nahanap niya, sabi sa akin, ‘Tatay,’ tatay ‘yung tawag sa akin nun. ‘Tatay nahanap ko si Lala.’ Sabi ko ‘saan?’ Sa Facebook, bago ‘yung account niya, ganito, ganun. Hindi ko na pinatagal, tapos after lang a week, ayun na. Nag-meet up kami nung Christmas. Sinadya na lang namin, in-invite ni Cheenee sa bahay niya.
“After nito lang, kaswal lang parang walang nangyari. Pero sa akin, hindi magiging plantsado hangga’t hindi ko naririnig kung ano ‘yung nangyari sa ‘yo. Gusto ko ay clarity.
“Nung hinatid ko lang siya, dun na talaga kami nakapag-usap. Alam ko ang pagkakamali ko sabi niya, na hindi ko dapat nasabi. Kasi, bugso daw ng damdamin, sabi niya.
“Kumbaga, para tayong nag-chacha, atras abante tayo. Let go. ‘Yun ang natutunan ko, magpatawad, humility, ipagpasa-Diyos na natin lahat. Kung ano man ang maging plano ng Diyos, ‘yun na lang ‘yung sundin natin. Okay naman. After that, naging okay na.
“I mean naging tuluy-tuloy yung sa pamilya namin na maging maayos. Thankful ako masaya ‘yung Christmas, pati new year. It’s about ‘yung reconciliation ng family,” sabi pa ni Keempee.
Gerald, gustong manorpresa sa pagkakaso kay Danny Tan
Iniwasan nang pag-usapan sa nakaraang media conference ni Gerald Santos ang balak nitong pagsampa ng kaso sa musical director na si Danny Tan.
Ang dinig namin isa sa mga araw na ito ay magsasampa na sila ni Enzo Almario ng reklamo laban sa nabanggit na musical director. Pero wala pa silang ibinibigay na detalye kaya’t inaabangan na lang namin ang kanilang official announcement.
Pero sa ngayon ay puspusan na ang promotion ni Gerald sa kanyang Courage concert na gaganapin sa SM North Skydome sa Jan. 24.
May single pa siyang pinamagatang Hubad na ibang-iba rito ang singer, dahil nagpapaka-daring na siya.
Nakakatulong kaya itong hinaharap niyang laban, ‘yung mga naranasan niya sa pino-promote niyang kanta at concert.
“Actually, ‘yung naranasan ko, it was not really a good experience,” pakli ni Gerald.