Barbie, na-scam sa mixer!

Barbie Imperial
STAR / File

Pinagtawanan na lang ni Barbie Imperial ang pagka-scam niya sa binili online na Kitchen Aid Mixer worth P4k.

Natawa at nagpatulong na lang sa online shopping app ang aktres na sa pinost na photo ng in-order, tila iba ang dumating at dineliver sa kanya.

Sinisi pa tuloy siya ng netizens, bakit daw sa mga hindi kilalang seller siya bumili at ang handheld Kitchen Aid Mixer ay worth P2.5k lang. May nagsabi namang worth P10k ang de-kalidad na Kitchen Aid Mixer.

Anyway, P4k+ ang na-scam kay Barbie, madali niya itong kikitain at least, natuto na siya and hopefully, hindi na magpapaloko uli.

Kathryn, sinugod ng KimPau fans!

May fandom war sina Kathryn Bernardo at KimPau fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino. Inalmahan kasi ng fans ni Kathryn ang paninisi ng ilang KimPau fans kay Kathryn dahil ang movie nila ni Alden Richards na Hello, Love, Again daw ang rason kung bakit nabago ng dalawang beses ang playdate ng KimPau movie na My Love Will Make You Disappear.

Sabi ng KimPau fans, mas pinaboran daw ng Star Cinema ang HLA ni Kathryn at inuna ang showing kesa movie nila. Takot daw ang fans ni Kathryn na mas kumita ang movie ng KimPau kesa sa movie nina Kathryn at Alden.

Sagot ng fans ni Kathryn, hindi naman daw box office King and Queen sina Paulo at Kim para katakutan ang pelikula nila. Dagdag pa ng fans, sa Star Cinema dapat magalit ang mga ito at hindi kay Kathryn

Umabot na sa hamunan ang bardagulan ng fans ni Kathryn at fans nina Kim at Paulo. Kampante ang KimPau fans na maabot ng MLWMYD ang P1B gross ng pelikula lalo na at may worldwide screening din ito. Baka nga raw mahigitan pa nito ang P1.4 B box-office gross ng HLA.

Sagot ng fans ni Kathryn, paano ‘yun at may balita silang almost P2B na ang box-office gross ng HLA at baka hanggang matapos ang showing nito ay umabot na sa P2B ang gross.

Miguel, ilalaban sa Incognito

Maganda ang feedback ng viewers sa Mga Batang Riles, maganda raw ang action series na pinagbibidahan ng young actors ng GMA sa pangunguna ni Miguel Tanfelix. Kahit daw adapted sa isang ‘90s movie ang pelikula, in-update ng mga writer at ni director Richard Arellano, kaya hindi mukhang luma ang concept.

Nakadagdag sa interes ng moviegoers ang young cast na magagaling. Napansin na nga ang husay ni Antonio Vinzon, anak ni Roi Vinzon, na pinakabata yata sa grupo at first project niya ito, pero ang husay ng bagets.

Nakakasabay sila sa mga beteranang kasama nila sa cast na pawang mahuhusay, banggitin na natin sina Diana Zubiri, Jay Manalo, Ynez Veneracion, Eva Darren at Roderick Paulate.

Maganda naman daw ang pilot week ratings nito kahit ang Batang Quiapo ang kasabay. Kaya lang, ilalagay sa second slot ng primetime ang action series dahil papasok ang Lolong ni Ruru Madrid simula sa Jan. 20, 2025 kaya Incognito na ang makakatapat ng series nina Miguel.

 

Show comments