Kinaaaliwan ng mga tagahanga ang aktor na si David Licauco dahil pinagsisigawan nitong single na siya.
Mapapansin ngang aktibo ang Pulang Araw actor sa kanyang mga social media account at masigasig itong nagre-reply lalo na sa mga fan niya.
At proud nga nitong sinasabing single siya gaya na lamang ng isang netizen na nagkomento sa post niya at sinabing “Naging single lang, daming post ah” na sinagot ng aktor ng “single era tayo.”
Bukod nga sa kanya ay single na rin ang ka-loveteam niyang si Barbie Forteza na kaaanunsyo lamang kamakailan ng hiwalayan nila ng aktor na si Jak Roberto.
Kaya naman nabuhayan ng loob ang mga tagahanga ng BarDa at baka raw maging totohanan na ang loveteam ng dalawa.
Nag-e-enjoy naman ang fans sa mga post at komento ni David at cutie nga raw ito lalo na at laging kinokonek kay Barbie ang mga post nito.
Wish nga nila ay ang BarDa na ang endgame.
Habang ang iba naman ay payo kay David ay mag-focus muna sa career niya.