^

Pang Movies

Richard, nagamit ang pagiging black belter

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Richard, nagamit ang pagiging black belter
Richard Gutierrez.
STAR/ File

After Iron Heart na isang hard-core action series, muling mapapanood si Richard Gutierrez sa isang action-packed series na Incognito at ikinatuwa ng aktor na this time ay marami silang lead stars.

“’Yung Iron Heart, talagang pagod na pagod na pagod talaga ako. As in todo. Pero talagang gusto ko ‘yung ginagawa ko. Pero nakakapagod, physically,” sey ni Chard nang makatsikahan namin sa isang intimate dinner last Friday.

“‘Eto ngayon, mas spread out, eh. So, may mga times na pahinga muna ‘ko, si Daniel (Padilla) naman ang kukunan. ‘Pag ako naman ang kukunan, pahinga naman ‘yung iba. Pero may mga times din na talagang sama-sama kami.

“‘Pag nagsama-sama kami, ‘yun ang matagal. Kasi, ang daming shots, ang daming dialogues,” dagdag niya.

Very happy rin siya na talagang ginastusan din ng ABS-CBN ang Incognito and in fact, two weeks pa silang nag-taping sa Italy at next month ay sa Japan naman sila magsu-shoot.

Enjoy raw siya sa action dahil bata pa lang siya ay ito na raw talagang hilig niya.

“When I was young, hilig ko na manood ng action films. Like lahat ng Bruce Lee movies, kinolekta ko. Lahat ng James Bond movies, pinanood ko. Lahat ng movies ni (Sylvester) Stallone, lahat ng movies ni Steven Seagal, ni Van Damme, lahat ‘yun pinanood ko,” kwento ni Chard.

Maaga rin daw siyang nag-training ng Karate and Martial Arts noong bata pa siya at nag-aaral sila ng kambal niyang si Raymond sa States.

Black belter daw siya sa karate at nagamit niya ito sa pagtatanggol sa sarili niya at kay Raymond sa bully classmates nila.

“When we were studying in the States, naging easy target kami ng mga bullies. Like first of all, twins kami. Tapos, hindi nila alam kung Asian ba ‘to, Meksikano ba ‘to?” sey niya.

Nu’ng teenager naman daw siya sa US ay nag-weapons training siya at nakipag-compete pa siya at nananalo siya.

Magsisimula nang mapanood ang Incognito sa Jan. 17 sa Netflix, Jan. 18 on iWantTFC, and Jan. 20 on the Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, and TV5.

Jak at Bini Aiah, naiintriga

Viral ngayon ang post ng BINI member na si Aiah sa kanyang Instagram Story na reel ng kanyang scuba diving kamakailan. Caption niya, “That time when I went Scuba diving for the first time and just hours before my flight to Egypt haha.”

Pero ang isang nakatawag ng pansin ng netizens ay nasa larawan din si Jak Roberto na isa sa tropang kasama ni BINI Aiah.

Bale ba ay ini-repost din ni Jak ang post ng BINI member sa kanyang IGS.

Kasalukuyang nasa Egypt si BINI Aiah which means recently lang nangyari ang scuba diving.

Siyempre, may mga nagtaka kung bakit nasa grupo si Jak gayung kaka-break lang nito with Barbie Forteza.

Ang iba naman ay nagtatanong kung may something ba between Jak and BINI Aiah.

Pero marami rin namang fans ang nagtanggol na hindi komo’t magkasama sa picture ay may something na.

Well, let’s wait and see kung ano ang masasabi nina Jak and BINI Aiah tungkol dito.

BARBIE

DANIE

RICHARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with