^

Pang Movies

Darryl Yap, ayaw paawat!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Pinost na ni director Darryl Yap ang official poster ng controversial movie niya na ang international title ay The Rapists of Pepsi Paloma at ang Philippine Cinema title ay Pepsi Paloma. Si Red Bustamante lang bilang si Pepsi ang nasa poster.

Naka-post din na February 2025 ang playdate ng movie at dahil wala pang takedown order ang Korte na itigil ang pagpapalabas nito, tuloy ang pagpo-post ni direk Darryl ng promo material.

May summary hearing daw sa Wednesday at malalaman natin ang update sa isyung ito at sa kaso na isinampa ni Vic Sotto.

Sa kanyang mga post patungkol sa movie, never binanggit ni direk Darryl ang producer ng movie, kaya nang may mag-comment na gawin niya ring movie ang kay Romeo Jalosjos kundi niya friend ang mga anak nito.

Star Cinema, sinagot ang kontrobersya ng KimPau movie

Naglabas ng statement ang Star Cinema tungkol sa new playdate ng movie nina Kim Chiu at Paulo Avelino na My Love Will Make You Disappear. Sa March 26, 2025 na ang playdate nito at hindi April 2025, gaya ng in-announce ng SM Cinema.

Nakasulat din sa statement ng Star Cinema na may international screening ang movie at binanggit ang North American market. Ang Abramorama at isang award-winning international entertainment marketing firm na Amorette Jones Media Consulting ang makakatulong ng Star Cinema sa international screening ng movie.

Bumalik ang excitement ng KimPau fans sa statement ng Star Cinema at wala na sigurong aatras sa mga naka-schedule na block scree­nings. Date lang ang nabago at ilang weeks lang naman ang ipaghihintay niya sa second original playdate na Feb. 12.

Wala pang bagong tweet si Paulo after ng tweet niyang “Ma-experience nga na hindi tumapos ng pelikula” na isa sa mga rason kung bakit naging aligaga ang KimPau fans.

DARRYL YAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with