^

Pang Movies

Aegis, babalik na sa concert kasabay ng pagluluksa kay Mercy

Salve V. Asis - Pang-masa
Aegis, babalik na sa concert kasabay ng pagluluksa kay Mercy
Aegis

MANILA, Philippines — Emosyonal ang mga miyembro ng Aegis nang humarap sa isang media conference para sa kanilang concert this Feb. 1 and 2 sa New Frontier Theater na pinamagatang Ulan.

Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon sila ng concert na wala na ang isa nilang kapatid, si Mercy Sunot, na pumanaw noong November sa edad na 48.

Emosyonal sina Julie at Ken Sunot nang tanungin tungkol dito.

Last March 2024 ang huling concert na magkakasama sila at hindi nila akalain na ‘yun na pala ang huling pagkakataon na kumpleto sila sa entablado. Wala raw premonition. “Dito lang po namin maalis ‘yung mga ano namin ‘yung lungkot po talaga pero ngayon talagang kailangan po namin, gusto namin matuloy ang concert na ito kahit wala po si Mercy kasi para rin po sa kanya, na alam ko na pangarap niya ‘to eh, pangarap niya na mag-concert pa rin nung bago siya naoperahan. Sabi niya gusto na niyang umuwi, gusto niyang sumama sa concert na ito pero wala eh, talagang umalis na talaga siya sa amin at kailangan magpatuloy po,” sabi ni Julie.

Pero tuloy ang Aegis, walang mabubuwag.

“Andito pa rin po kami, kasi ‘yun ang gusto ni Mercy. Tuloy pa rin po ‘yung Aegis kahit na ugod-ugod na kami, siya po ang nagsabi sa grupo na wala pong iwanan pero siya po ang nang-iwan sa amin,” naiiyak-iyak na sabi ni Julie.

Pumanaw ang Aegis vocalist na si Mercy Sunot matapos makipaglaban sa cancer. Siya ay 48, sa Amerika.

“Ang gusto talaga namin talagang gumaling lang talaga siya pero talagang umalis na talaga siya sa amin,” dagdag ng isa sa bokalista ng nasabing iconic rock band.

Nangako rin silang gagalingan pa nila. Nakilala ang Aegis sa basagan ng diaphragm. Grabe ang power ng boses ni Mercy, nilang magkakapatid actually. “Kailangan namin talagang magpatuloy kaya mas gagalingan po namin para kay Mercy,” pangako pa ni Julie.

Nakilala naman silang magkakapatid na nagsasaluhan sa kanilang mga pinasikat na kanta.

Pero mahirap daw talaga ang pinagdaanan nila lalo na nung nasa Amerika si Mercy.

“Before po talaga, malungkot talaga kasi nga may sakit si Mercy hindi pa po alam ng lahat na nandun siya sa US nagpapagaling po siya, nag-treatment po siya. So hirap po kami talaga, lalo na sa amin kasi kapatid po namin, naiiyak po talaga kami pero pinipilit namin.

“Halos hindi na po kami nakakanta kasi talagang ‘yung mga tao nalang po ang kumakanta ng kanta niya,” na ang tinutukoy nila ay nung may show sila na nauna nilang naisara na hindi na nakakakanta si Mercy.

Kabilang sa mga pinasikat na kanta ng grupo na naging theme song ng mga bigo ay Ulan, Luha, Sayang na Sayang, Halik at marami pang iba.

Ang banda ay binubuo nina Juliet Sunot, Ken Sunot, Rey Abenoja, Stella Pabico, Rowena Adriano and Vilma Goloviogo.

AEGIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with