^

Pang Movies

Ogie, napasok ng hacker

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ogie, napasok ng hacker
Ogie

Naglabas ng advisory si Ogie Alcasid at ipinaalam na na-hack ang kanyang official Facebook account.

“We’d like to inform everyone that Ogie Alcasid’s official Facebook page and personal account have been hacked,” simula ng statement.

Nakasaad din na kasalukuyang nireresolbahan pa ang issue at anuman daw na bagong post na mababasa at this time sa FB page ni Ogie ay hindi galing sa OPM singer.

“Any posts at this time are unauthorized and not associated with him.

“While the issue is being resolved, we encourage you to continue supporting Ogie through his official accounts on X, Instagram, and TikTok.

“Thank you for your understanding and continued support!”

Upon checking, tila hindi pa nababalik kay Ogie ang kanyang FB dahil sa latest post niya na kung anik-anik at mukhang pati ang cover and profile picture ay naiba na.

Inigo, apektado ng wildfire!

Isa pala sa naapektuhan ng wildfire sa Los Angeles, California ang anak ni Piolo Pascual na si Inigo Pascual.

Good thing ay safe naman ang singer/actor at ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram Story. Aniya ay nakapag-evacuate naman ang kanyang pamilya at mga alagang hayop.

“Thanks to everyone checked in. Haven’t been able to respond to all the messages,” ani Inigo na kasalukuyang nakabase sa Los Angeles.

“My family evacuated where we live last night and everyone is safe including our furry fam members,” patuloy niya.

Nananalangin din ang binata na matapos na ang trahedyang ito.

“Praying and claiming for this to end soon. Sending prayers to everyone in LA esp to those who lost their homes,” aniya.

“If you’re in LA, please stay alert. The fires just seem to pop out of nowhere,” paalala pa niya.

Hindi lang si Inigo ang naapektuhan ng raging wildfire kundi ang iba pang Hollywood stars tulad nina Billy Crystal, Mandy Moore, Karla Souza, Paris Hilton at marami pang iba.

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring nananalanta ang itinuturing na biggest wildfire na tumupok na sa mahigit 9, 000 structures in California at kumitil na ng 5 katao.

OGIE ALCASID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with