Coco, pinagdasal sa Nazareno na hindi matutulog habang nagtatrabaho

Coco

MANILA, Philippines — Matibay pa rin ang panata nina Coco Martin, McCoy de Leon, Angeline Quinto at Dimples Romana sa Mahal na Itim na Nazareno.

Kabilang nga sila sa mga nakiisa sa ginanap na Pahalik noong isang gabi sa Grandstand bago ang Traslacion noong Huwebes ng madaling araw.

“Walang Hanggang Pasasalamat Mahal na Poong Hesus Nazareno,” aniya sa isang post habang nakahawak sa kamay ng Mahal na Itim na Nazareno.

Malalim at matibay ang pinagmulan ng kanyang debos­yon noong bata siya na sa tuwing namamalengke raw sa Quiapo ng kanyang lola ay tumutuloy sila sa simbahan ng Quiapo.

Kaya kinala­kihan na niya ito dahil wala siyang idinasal na hindi binigay ng Nazareno na sobra-sobra pa aniya.

Naalala niya sa isang interview ni MJ Felipe na nagbago ang buhay niya nung Jan. 7, 2007 nang nahawakan niya ang kamay ng Nazareno nung nagso-shooting siya ng pelikulang Tirador. Idinasal daw niya bigyan siya ng trabaho kahit hindi na siya matulog.

At nangyari. Since that year daw, hanggang sa kasalukuyan halos wala na siyang tulog sa kakatrabaho.

Pasasalamat din ang pinaabot ni McCoy de Leon sa kanyang panata sa Nazareno “Muli ako’y nagpapasalamat sayo,” sabi ng actor sa kanyang post.

Si Angeline Quinto ay nagbigay pa ng awitin sa Grandstand ng madaling araw habang mara­ming nakapila upang makalapit sa Mahal na Itim na Nazareno.

Hindi naman nag-post si Dimples pero makikitang magkakasama sila sa ilang photo nina Coco, McCoy and Angeline.

Tulad sa taun-taong ganap, dumagsa ang mara­ming deboto sa Quaipo kahapon.

Darryl Yap, pinatatahimik na ng korte

Wala sa hitsura na nagsisisi si Direk Darryl Yap.

Ahh unbothered / walang remorse ang term ng ibang netizens matapos siyang kasuhan ni Vic Sotto ng 19 counts of cyber libel dahil 19x pala itong nag-post tungkol sa teaser ng ginawa niyang pelikula na The R*pists of Pepsi Paloma na unang inilabas sa kanyang social media platforms.

Samantala, wala pang nababanggit kung sino ang producer ng pelikulang ito at hanggang kahapon ay ang controversial director pa lang kinasuhan ng 35 million damages – ?20M for moral damages and ?15M for exemplary damages.

Pero ipinag-utos ng ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 ang pagpapalabas ng Writ of Habeas Data sa filmmaker na itigil ang pag-post ng teaser videos at promo materials, at ang pagpapalabas ng pelikulang The R*pists of Pepsi Paloma.

Show comments