Darryl Yap, sumagot pa

Darryl Yap

Ayon sa direktor na si Darryl Yap ay nakahanda naman daw siyang harapin ang 19 counts of cyber libel na isinampa ni Vic Sotto laban sa kanya kaugnay ng teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma.

“Agad naman po naming sasagutin ang reklamo kapag nakarating na po sa amin,” pahayag ni Darryl sa official statement niya na ipinost ng ABS-CBN News sa Instagram.

Kasunod nito ay idinepensa ni Darryl ang sarili hinggil sa teaser na kanyang inilabas. “Maluwag po sa aking kalooban tanggaping ang isinampang kaso ni Vic Sotto.”

Liza at Ruby, ligtas sa sunog

Safe si Liza Soberano at hindi apektado ng wildfire sa Los Angeles ngayon. Ito ang update ng aktres mismo sa kanyang Instagram Story kahapon.

She assured her fans na okay siya at wala raw siya sa LA ngayon. Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga nangumusta sa kanya. “Thank you to everyone who checked in on me. I’m okay. I’m not in LA as of the moment,” sey ni Liza.

Ipinaabot din ng aktres ang kanyang concern sa friends niya na nasa LA and wished for their safety. “But my heart goes out to all of my friends in LA.

“Praying for everyone’s safety,” ani Liza. Hindi na sinabi ng aktres kung nasaan siya ngayon. Samantala, ayon sa report ng Los Angeles Times ay 5 na ang namamatay at more than 2,000 structures na ang nasunog sa wildfire na mabilis na kumakalat sa Los Angeles County simula pa noong Martes ng gabi (LA time).

Ang komedyante at dating Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez na kasalukuyang nakabase na sa Los Angeles ngayon ay nag-post din ng larawan ng mausok na kalangitan sa kanyang lugar. Good thing, safe naman si Ruby. ‘Yun nga lang punung-puno raw ng abo ang harapan ng kanyang bahay.

“Its 8am and this is how the sky looks like in LA. I have never seen this before. My porch is full of ashes and series of brown outs. Praying for all those evacuated to be safe in Jesus name @chefmarvz @markjlabella praying for your safety and hopefully back to your home Keep safe everyone wear masks air quality Bad!!!” sey ni Ruby sa kanyang IG.

Show comments