Jillian, kay Ate Vi nagsimula

Jillian

Jillian Ward started out bilang child star nung 2010 nang kanyang gampanan ang TV adaptation ng pelikulang Trudis Liit na pinagbidahan ng Star for All Seasons na si Vilma Santos in 1963. Magmula noon ay tuluy-tuloy na ang paggawa niya ng pangalan sa bakuran ng GMA hanggang sa kanyang pagiging teenager. She’s now 19 and turning 20 on Feb. 23.

She starred in her own TV series, ang Abot-Kamay na Pangarap na tumagal sa ere ng dalawang taon (2022-2024) at may bago siyang serye, ang My Ilonggo Girl na nakatakdang magsimula ngayong Jan. 13, araw ng Lunes.

Hindi niya kinakaila na sobra siyang naapektuhan sa paghihiwalay ng kanyang parents noong isang taon dahil isa umano silang closely-knit family at pareho siyang close sa kanyang mga magulang na sina Elson at Jennifer Penson.

It was Jillian’s first Christmas and New Year na hindi na kumpleto ang kanyang pamilya.

Dennis at Ruru, naging ganado!

Although extended ang 50th Metro Manila Film Festival sa mga sinehan hanggang Jan. 14, araw ng Martes, mapapanood din ang 10 MMFF movies sa ikalawang taon ng Manila International Film Festival in Hollywood, California, USA simula sa huling linggo ng Enero hanggang Feb. 2, 2025 at kasama rito ang Best Picture movie na Green Bones na pinagbidahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid na nanalo ring Best Actor and Best Supporting Actor respectively.

Ang dalawang bida ng Green Bones ay may magkahiwalay na proyekto. Si Dennis ay muling mapapanood sa mga sinehan come Feb. 26, 2025 sa pagpapalabas ng first movie nila together ng kanyang wife na si Jennylyn Mercado sa pamamagitan ng isang romantic-comedy movie na pinamagatang Everything About My Wife kung saan din kasama nila si Sam Milby mula sa direksiyon ni Real Florido at joint production ng GMA Pictures, CreaZion Studios at Glimmer Studio. Si Ruru naman ay magbabalik sa bago niyang serye sa bakuran ng GMA, ang second season ng Lolong.

Ang pelikulang Everything About My Wife ay second movie team-up nina Dennis at Jennylyn na unang nagtambal sa pelikulang Rosario in 2010 na pinamahalaan ni Albert Martinez. Ito naman ang kanilang unang pelikula bilang mag-asawa.

Vic, humihingi ng danyos

Kasama ang kanyang wife, ang actress na si Pauleen Luna at legal counsel na si Atty. Enrique de la Cruz, naghain ng complaint against controversial filmmaker Darryl Yap ang veteran singer-songwriter, actor-comedian, TV host and producer na si Vic Sotto ng 19 counts ng cybel libel sa Muntinlupa RTC kahapon ng umaga, Jan. 9, 2025.

Si Pepsi Paloma ay ang yumaong young sexy star of the early 1980s at isa sa mga alaga ng pumanaw na ring controversial manager na si Dr. Rey de la Cruz who was murdered in his optical clinic in Quiapo Manila kung saan din siya nanilbihang Barangay Captain. Kasama noon si Pepsi sa tinawag na ‘Softdrink Beauties’ ni Rey de la Cruz.

Halos 40 years nang namayapa si Pepsi pero muling binuhay ang kuwento ng kanyang buhay ng writer-director na si Darryl Yap sa pamamagitan ng The Rapists of Pepsi Paloma na nakatakda umanong ipalabas sa mga sinehan sa susunod na buwan.

Show comments