^

Pang Movies

Allen, sigurado na kay Sofia

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Allen, sigurado na kay Sofia
Allen at Sofia

Inamin ni Kapuso young actor na si Allen Ansay na nililigawan niya ang ka-loveteam na si Kapuso young actress Sofia Pablo.

Sa mediacon ng kanilang upcoming afternoon seris na Prinsesa ng City Jail na ginanap last Tuesday ay natanong ang team Jolly (tawag sa loveteam nina Sofia at Allen) tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Diretsang tinanong ng press si Allen kung masasabi ba niyang si Sofia ang prinsesa ng kanyang puso at sagot naman ng young actor, “parang hindi na po kailangang itanong ‘yan. Siyempre po, 100%, siya lang.”

Kasunod na diretsong tanong sa batang aktor ay kung in relationship na sila. “Hindi pa po pero alam niyang gusto ko siya,” sagot ni Allen.

Nang si Sofia naman ang tanungin, aminado naman siya na nakakakilig ang ipinapakitang care ni Allen sa kanya. “Siyempre po, masaya and masarap talaga sa pakiramdam, sa puso na may taong nandiyan para alagaan ka. Alam mo na may taong nandiyan lagi para makinig sa ‘yo, suportahan ka.

“Especially sa work namin na magkasama kami, kapag napapagod (ako), andiyan siya para iabot ‘yung water ko, para pakainin ako. Minsan po kasi, pasaway po ako sa work. Mayroon po akong ugali na kapag tuloy-tuloy (ang trabaho), hindi ako kumakain. Sabi ko, ‘hindi ako gutom.’ Nagagalit siya sa akin.

“So, siyempre, thankful ako na sobrang genuine ng care niya, pati kay Mommy. So, ‘yun, super-blessed,” sey ni Sofia.

Kung hanggang kelan pwedeng maghintay si Allen bago niya sagutin, sagot ng young actress, depende raw sa parents niya.

Nang tanungin naman si Allen kung willing siyang maghintay, sagot niya, “ako po, willing ako. Anytime nga po, kung sasabihin na niya. Pag sabihin niyang pwede na, game po ako.”

Kung paano naman siya manligaw, ayon kay Allen ay gusto pa rin niya yung traditional way na pupunta sa bahay ng dalaga at magdadala ng flowers.

Samantala, ang kwento ng Prinsesa ng City Jail ay tungkol sa isang dalagang lumaki sa city jail dahil pinalaki siya ng amang jail guard. Dito niya rin makikilala ang binatang si Xavier (Allen) na nabilanggo dahil sa kasalanang hindi niya ginawa.

Kasama rin sa serye sina Beauty Gonzales, Keempee de Leon, Denise Laurel, Dominic Ochoa, Ina Feleo, Jean Saburit at marami pang iba. Magsisimula na ito sa Jan. 13 sa GMA Afternoon Prime.

Beauty, umarte kahit ‘di bida

Kahit nagbibida na si Beauty Gonzalez ay tinanggap pa rin niya ang Prinsesa ng City Jail bilang supporting cast.

Pero bigatin din naman ang role niya dahil gina­gampanan niya sa serye ang role na tunay na ina ng karakter ni Sofia Pablo.  Sey niya sa mediacon, “I said yes to this because, why not? Ang ganda ng istorya. Tama ‘yung sinabi ni Direk Jerry [Sineneng], each character here will shine.”

Dagdag pa niya. “it’s not only because of Princess (Sofia), because of Sharlene (her role), or because of Divina (Denise Laurel), but lahat kami dito may purpose sa story, and I want to be a part of that. As an artist, I want to learn from my co-actors. I want to learn something new.

“It’s about the story and the story itself is very timely. And I’m happy to work, sa totoo lang. I love working. It’s the only time I get to see my co-actors. I get to talk about art, I get to talk about our work.”

Super thankful din si Beauty sa GMA network sa pagbibigay sa kanya ng tuluy-tuloy na trabaho. Sa totoo nga naman talaga eh hindi siya nababakante at lagi siyang binibigyan ng proyekto.  

Napapanood din si Beauty sa Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 3 bilang leading lady ni Sen. Bong Revilla.

SOFIA PABLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with