^

Pang Movies

Female singer, ibinuking ang kabaklaan ng dalawang singer

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

AMINADONG babaeng bakla ang isang sikat na female singer. Pero kung minsan, lumalabas din ang pagiging gagang baklang singer ni female singer lalo na sa out of town shows niya.

Nakasama sa isang out of town event ng female singer ang dalawang male singer na paminta!

Eh sa tuwing magsasama ang dalawang pamintang singer, lumalabas ang kalandian nila pag sila lang at walang tao sa paligid.

Knows naman ni female singer na paminta ang dalawa na isang junior at ‘yung isa eh mid junior na.

Matapos kumanta ni female singer, lumapit siya sa dalawang pamintang singer. Taklesa niyang sinabihan ang dalawa na, “Mga bakla, galingan ninyo, huh! Babu!” saka tumalikod at ‘yung dalawang paminta, nanlaki ang mga mata at ‘yung nakarinig sa sinabi ni taklesang singer eh sumisigaw nang walang sound na pilit itinatago ang halakhak!

Geneva, tinupad ang pagiging madre

NATUPAD ang pangarap ni Geneva Cruz na maging madre kahit sa pelikula lang. Isang madre ang role ni Geneva sa gagawing musical movie na Nasaan Si Hesus na sinulat ng late Nestor Torre with music and lyrics ni Mrs. Lourdes Bing Pimentel.

Makakasama ni Geneva sa movie ang mga kaibigang sina Rachel Alejandro at Jeffrey Hidalgo, Janno Gibbs, Marissa Sanchez at iba pa, mula sa panulat at direksyon ni Dennis Marasigan.

Matagal nang musical play ang Nasaan Si Hesus at naniniwala si Mrs. Bing na basta mabuti ang ginagawa mo eh darating ang blessings upang matupad ang gusto mong gawin. “Alam kong mahirap mag-produce. Basta para kay Hesus ito at basta nasa puso mo si Hesus, kusang dumarating ang hiling mo,” saad ni Nanay Bing.

GENEVA CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with