KimPau, may paliwanag sa jowa-coded
Nagpaliwanag na si Kim Chiu tungkol sa mainit na pinag-usapang ‘caught in the act holding hands’ nila ni Paulo Avelino kamakailan.
Matatandaang nahuli ng camera ang KimPau sa block screening ng And The Breadwinner Is… na magkahawak-kamay. Well, hindi naman talaga holding hands kundi hawak ni Kim ang kamay ni Pau na parang boyfriend o asawang hinihila habang dumadaan sila sa likod ng camera.
Dahil dito ay kinilig nang husto ang KimPau fans at kumpirmado na nga raw na may relasyon na ang dalawa.
Sa latest interview ni MJ Felipe ng ABS-CBN sa KimPau ay natanong sila kung ano ang kwento sa likod ng holding hands.
Sey ni Kim, nasa gilid lang daw kasi si Paulo nu’ng time na ‘yun.
“Ayaw niya talagang ano, nasa gilid lang siya. Siya talaga ang tunay na naka-mask, at naka-cap at naka-hoodie,” ani Kimmy.
“Hinila ko siya nu’n kasi, kasama rin naman namin siyang manood para ano rin. Kasi nag-promise kami kay Vice na manonood talaga kami ng movie niya,” paliwanag ng aktres.
When asked about the fans’ comment na magdyowa na sila at sobrang kumportable na sila, natatawang sabi ni Kim, “grabe naman ‘yung dyowa-coded. Pangatlong project na kasi namin ‘to.”
Ang tinutukoy ni Kim na pangatlong proyekto nila ni Pau ay ang first movie nila na My Love Will Make You Disappear.
Sabi naman ni Paulo, “si Kimmy naman talaga, parang siguro, sa tagal na rin naming nagkatrabaho, naging kumportable na rin kami sa isa’t isa at kumbaga, ito na nga rin, may bago kaming pelikula, so hindi ko na rin alam ang sinasabi ko,” sabay-tawa.
Natanong din ang aktor kung ano ang reaksyon niya na laging tinutukso si Kim sa kanya sa It’s Showtime.
Natatawang sabi ni Paulo, “Kim, kaya mo ‘yan! Mabuti na lang, wala ako sa Showtime.”
Sey naman ni Chinita Princess, “ganu’n lang talaga kami do’n sa Showtime, asaran, biruan. Parang good vibes lang kami, pamilya talaga. Walang pikunan.”
Ruffa, nabuwisit sa nagkakalat na kritikal siya!
Inalmahan ni Ruffa Gutierrez ang balitang nasa hospital siya at kritikal ang kondisyon.
Sa kanyang Instagram Story ay ipinost ng aktres ang isang social media post na may larawan ng rumored boyfriend niyang actor-politician, ina niyang si Annabelle Rama na umiiyak at isang babaeng nakaratay sa hospital na pinalalabas ngang si Ruffa.
Nakasaad pa sa post na “Ruffa Gutierrez KRITIKAL Sa Ospital” at “Please pray for Ruffa.”
Sey ni Ruffa, “ito ay isang malaking FAKE NEWS!”
Pahayag pa ng aktres, “5 people have asked me if I was in the hospital. One friend just sent me this page. If it’s not from my verified accounts on IG, TWITTER & FB, THEN IT’S FAKE!”
Kung sinusubaybayan n’yo ang legit socmed accounts ni Ruffa ay hindi talaga kayo maniniwala sa fake post na nasa ospital siya. Panay ang post niya ng kanyang latest photos and looking very gorgeous pa rin siya’t walang kahit anong senyales na may sakit.
Sa kanyang recent IG post nga ay nagtatanong pa siya kung anong haircut ang babagay sa kanya.
“Thinking of a new haircut, style, and color for 2025. Any suggestions?” aniya.
- Latest