Zaijian at Xyriel, hanggang pelikula na ang tambalan

Xyriel Manabat

Muling magtatambal ang dating Kapamilya child stars na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat, this time sa pelikulang pinamagatang Guryon under Blackfire Entertainment. Ang dalawa ay huling nagtambal sa primetime TV series na High Street nung isang taon na pinangunahan nina Andrea Brillantes at JK Labajo.

Parehong nagsimula sina Zaijian (23) at Xyriel (20)  sa bakuran ng ABS-CBN bilang child stars at may ilang beses din silang nagkasama sa ilang serye tulad ng May Bukas Pa, Noah, Ikaw ang Pag-ibig at  Hawak Kamay.

Cristine at Marco, libreng-libre na pakasal

Pareho nang masaya sa kanilang respective personal lives ang dating mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi na may pareho na ring ibang partners.

Karelasyon ngayon ni Cristine ang kapwa niya Viva actor na si Marco Gumabao habang si Ali naman ay may non-showbiz partner na si Dona Balmadrid at meron na ring anak ang dalawa, si Axel Kathibi.

Sa kabila ng pagiging hiwalay nina Cristine at Ali, the ex-couple remains friends dahil sa kanilang eight-year-old daughter na si Amarah parehong present pag may importanteng event ang kanilang anak sa eskwelahan.

Close rin si Amara sa kanyang stepmom na si Dona gayundin kay Marco.

Si Marco ay kandidato sa pagka-congressman ng 4th district ng Camarines Sur na expected ang all out na  suporta ni Cristine.

Annulled na sina Cristine at Ali.

DongYan, hindi naungusan sa MMFF

Although hindi pa nagre-release ng official figures ang MMFF na pinamumunuan ni MMDA at MMFF chairman na si Atty. Don Artes until after the culmination ng 2024 MMFF, hindi pa raw nito nahahabol ang kinita ng MMFF noong nakaraang taon na umabot ng mahigit P1-B  with the movie Rewind na produced ng Star Cinema at pinagbidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera leading the race with almost P900-M ang kinita sa box office.

Although nangunguna sa takilya ang pelikula ni Vice Ganda, ang And the Breadwinner Is…  (co-produced ng Star Cinema and The IdeaFirst Company), hindi umano ito kasing laki kumpara sa kinita ng mga past movies ni Vice considering na napakaganda ng pagkakagawa nito bagama’t seryoso ang tema nito kumpara sa mga dati niyang pelikula.

Although nakakuha ng limang awards ang musical movie na Isang Himala  na pinagbidahan ni Aicelle Santos at pinamahalaan ng 2023 MMFF Best Director na si Pepe Diokno, hindi umano ito nakatulong para makahila ng mga manonood sa nasabing pelikula.

Hindi rin gaanong pinansin sa takilya ang second team-up nina Julia Barretto at Carlo Aquino sa pelikulang Hold Me Close mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana under Viva Films.

Hindi na naging maganda ang resulta ng ang first movie together ng dalawa, ang 2022 movie na Expensive Candy.

Bagama’t magaganda ang entries sa 50th Metro Manila Film Festival, nakapagtataka na hindi ito gaanong tinao.

Ipapalabas naman sa Hollywood, USA for one week  ang sampung pelikula for the 2nd Manila International Film Festival kung saan muling mapapanood ang record-breaking movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang Hello, Love, Again na dinirek ni Cathy Garcia-Sampana at joint production ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures.

Dennis, babantayan sa comedy

Habang ini-enjoy pa ni Dennis Trillo at Ruru Madrid ang pelikulang Green Bones na nanalong Best Picture at nagpapanalo sa dalawa ng Best Actor at Best Supporting Actor respectively, agad namang may bagong movie si Dennis, this time with his wife na si Jennylyn Mercado sa pamamagitan ng romantic-comedy movie na Everything About My Live na joint production ng CreaZion Studios, GMA Pictures and Glimmer Philippines.

Kilala si Jennylyn sa pagganap sa mga rom-com movies at first time namang gagawin ni Dennis.

Mag-click kaya ang tambalan ng mag-asawa?

Abangan!

Show comments