Kabilang pala si Zsa Zsa Padilla sa nalungkot nang i-announce ni Barbie Forteza na hiwalay na sila ni Jak Roberto.
Big fan kasi ni Barbie ang Divine Diva at pinapanood pala nito ang GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw. Paborito niya ang character ni Barbie na si Adelina dela Cruz.
Sa katunayan nga, sa naging farewell post ni Barbie noong finale ng kanilang serye, isa si Zsa Zsa sa mga nag-iwan ng congratulatory messages sabay puri niya sa performance ng Kapuso Primetime Princess.
“Happy New Year! Thank you for Pulang Araw. I truly enjoyed watching it kahit ang daming tearful scenes. Time to smile! I’ll always be your fan! Lab lab,” comment ni Zsa Zsa.
Sa mga naka-miss sa mga huling episodes ng Pulang Araw, mapapanood ito sa Kapuso Stream at sa streaming platform na Netflix.
Biden, namigay ng pinakamataas na pagkilala sa ilang celebrity
Ginawaran ni US President Joe Biden ang ilang Hollywood stars, musician, athletes at ilan pa ng Presidential Medal of Freedom sa White House kamakailan.
Kabilang sa mga nakatanggap ay ang actors na sina Denzel Washington and Michael J. Fox, musician Bono, American Film Institute founder George Stevens Jr, Kennedy Center chair David Rubenstein, Inter Miami soccer star Lionel Messi, and Los Angeles Lakers basketball player Earvin “Magic” Johnson.
Ang iba pang ginawaran ay sina former US Secretary of State Hillary Clinton, humanitarian and chef José Andrés, British conservationist Jane Goodall, science educator Bill Nye, billionaire George Soros, fashion designer Ralph Lauren, and Vogueeditor-in-chief Anna Wintour.
The Medal of Freedom is the American government’s highest civilian honor and was first established under former president John F. Kennedy.