Julia at Gerald, nag-‘break’ sa Vietnam!
Pagkatapos ng pagka-busy dahil sa promo ng Metro Manila Film Festival 2024 entry na Hold Me Close nitong Holiday Season ay vacation time naman para sa bidang si Julia Barretto.
Lumipad ng Vietnam ang aktres with her boyfriend, Gerald Anderson, for a much-needed break.
Makikita sa latest post ng celebrity couple sa Instagram ang pamamasyal nila sa tourist spots ng Vietnam at kitang-kita na masayang-masaya ang dalawa.
Sa kanilang mga larawan ay makikita na nagtungo sila sa Ha Long Bay, sa Ninh Binh, sa Hanoi Sky Lotte Observation Deck, sa Hanoi’s Old Quarter at sa Quang Phu Cau na sikat sa paggawa ng incense.
Kilig na kilig naman ang JuRald fans sa nakitang sweetness ng kanilang idolo at hiling nila ay huwag daw mag-break ang dalawa since nauuso nga ngayong ang hiwalayan sa showbiz.
Bukod kina Julia and Gerald, staying stronger din ang relasyon nina Ruru Madrid at Bianca Umali.
Sa latest interview ng nagwaging Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal, gusto na nga raw niyang pakasalan ang girlfriend.
Para sa aktor, si Bianca ang isa sa dahilan kung nasaan man siya ngayon sa industriya.
Sofronio, nakabalik na
Nasa Pilipinas na nga ang The Voice US Season 26 grand champion na si Sofronio Vasquez.
Dumating ito kahapon, Jan. 5, at ayon sa panayam ng ABS-CBN ay dalawang linggong mananatili ang singer sa bansa.
Kabilang daw sa itinerary ni Sofronio ay ang mga guestings left and right TV guestings at isa na nga rito ang pagdalaw niya sa It’s Showtime ngayong araw, Jan. 6.
Matatandaang nangako nga ang singer sa It’s Showtime hosts na ang una niyang bibisitahin pagbalik niya sa Pinas ang nasabing programa kung saan nga siya naging contestant ng segment na Tawag ng Tanghalan way, way, back.
Dadalo rin si Sofronio sa Sinulog Festival at ito ang first big live event niya sa bansa after coming home.
“I needed to finish all the press tours, commitments and initial conversations with the record label and hopefully after nito, roll na, work work work na ulit,” aniya.
“Fourteen to fifteen days, technically two weeks. Meron akong event sa Cebu for the Sinulog, first big event, first live event after the competition so sobrang excited ako,” dagdag pa niya.
- Latest