^

Pang Movies

Anne, bumida sa Singapore!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Anne, bumida sa Singapore!
Anne Curtis
STAR/File

Sanggang-dikit talaga ang pagkakaibigan nina Vice Ganda at Anne Curtis, dalawa sa mga poste ng noontime show ng ABS-CBN, ang It’s Showtime.

Isa si Anne sa nagpa-block screening sa Metro Manila Film Festival movie ni Vice, ang And The Breadwinner Is… na siyang nangunguna sa takilya among the 10 entries.

Hindi ikinakaila ni Anne na isa umano siya sa umiyak sa pelikula ni Vice na nabigyan ng Special Jury Award dahil sa ipinakitang acting ng Unkabogable Star na kilala sa pagiging isang komedyante.

Speaking of Anne, siya ang cover ng Harper’s BAZAAR Magazine, Singapore edition para sa buwan ng Enero 2025. Isa itong indikasyon na hindi lamang sa Pilipinas kinikilala ang misis ni Erwan Heussaff kundi maging sa ibang bansa.

It was in September 2024 nang i-launch ang wax figure niya na kabilang na ngayon sa mga attraction ng Madame Tussauds Wax Museum in Hong Kong. Kasama ng wax figure niya ang marami pang prominent personalities sa buong mundo kung saan din kabilang ang world boxing hero na si Manny Pacquiao, ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach at 2018 Miss Universe na si Catriona Gray maging ang Broadway Diva na si Lea Salonga.

Samantala, malapit nang matunghayan ang Philippine adaptation ng 2020 K-drama series na It’s Okay To Not Be Okay, joint project ng ABS-CBN at Netflix. Kabituin dito ni Anne sina Joshua Garcia at Carlo Aquino.

Sanya, apektado sa hiwalayan ng JakBie

Nakatutok ngayon ang netizens sa Kapuso actor na si David Licauco na siyang itinuturong dahilan umano ng recent breakup nina Barbie Forteza at Jak Roberto. Pero nag-post ang Filipino-Chinese actor and entrepreneur sa kanyang Instagram account ng solo picture niya na may caption na “Chill lang.”

Ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Barbie at David ay nagsimula sa una nilang pinagsamahang serye, ang Maria Clara at Ibarra na agad nasundan ng Maging Sino Ka Man at Pulang Araw. Nagtambal din ang dalawa sa pelikulang That Kind of Love nung isang taon.

Samantala, nasa finishing stage na ang ipinagagawang bahay ni Jak kung saan niya dinala si Barbie ng maraming beses. Ang paniwala ng marami, ang bahay ay bilang paghahanda na ng Kapuso actor sa magiging future sana nila ni Barbie na hindi na matutupad.

Gayunpaman, tatapusin pa rin ni Jak ang bahay na kanyang ipinatayo kahit wala na sila ni Barbie bilang reward niya sa kanyang sarili.

Nalungkot din ang nakababatang kapatid ni Jak na si Sanya Lopez sa kinahinatnan ng relasyon nina Jak at Barbie. Maging siya ay hindi inasahan na magkakahiwalay ang dalawa dahil saksi rin siya sa pagmamahalan ng dalawa.

Blended family, bagong trend na sa showbiz

Tulad ng dating mag-asawang Martin Nievera at Pops Fernandez, modern and blended family ring maituturing ang samahan ng dating mag-asawang Jodi Sta. Maria and Pampi Lacson.

After 13 years, it was only last year na-grant ang annulment ng kasal ng former couple na sina Jodi at Pampi kaya pareho nang malaya ang dalawa na muling magpakasal sa iba kung ito’y kanilang nanaisin.

Matagal nang may ibang karelasyon si Pampi, ang dating Kapuso actress na si Iwa Moto at may dalawa nang anak ang mag-partner, ang 11-year-old na si Eve at three-year-old na si Calib Jiro. Pero ang maganda, nanatili ang pagkakaibigan nina Jodi at Pampi dahil na rin sa kanilang teenage son na si Thirdy na close rin sa kanyang stepmom na si Iwa maging sa kanyang dalawang half-siblings. Close rin kay Jodi si Iwa ma­ging ang kanilang dalawang anak ni Pampi.

Jodi is currently in a relationship with Claudine Barretto’s ex-husband, ang actor na si Raymart Santiago.

Ganito rin ngayon ang nangyayari sa dating celebrity couple na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Magkaibigan ngayon sina Cesar at Sunshine at close rin si Sunshine sa partner ngayon ni Cesar na si Kath Angeles maging sa kanilang tatlong anak.

Sina Cesar at Sunshine ay may tatlong grown-up daughters na sina Angelina, Sam at Cheska habang may tatlo na ring anak ang actor sa kanyang current partner na si Kath.

Sunshine is currently in a relationship with controversial wealthy gaming businessman na si Atong Ang.

ANNE CURTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with