^

Pang Movies

Rein entertainment, Hollywood ang peg sa mga ginawang pelikula

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Rein entertainment, Hollywood ang peg sa mga ginawang pelikula

Mahirap man ang magiging laban ni Direk and former Taguig mayor Lino Cayetano sa darating na election sa May kung saan siya kumakandidatong congressman sa Taguig- Pateros District 1, napaghandaan na niya ang mga gagawing pelikula ng kumpanya nilang Rein Entertainment.

Maganda ang umpisa ng Rein Entertainment, naibenta nila hanggang abroad ang kanilang mga pelikula.

Kaya naman ngayong 2025, mas marami pa siyang gustong gawin kasama ang mga business partner niyang sina Phillip King and Shugo Praico.

“Tingin ko kailangan namin laliman pa ang pag-iintindi sa mga kuwentong Filipino, so that’s what we’re trying to do,” sabi ni Direk Lino.

At hindi lang sila basta gumagawa ng script, talaga raw ni-research nila.

“Ang laki ng research division arm namin, ‘yon mga series namin ganito kakapal (dini-describe niya ‘yung kapal), ‘yun kinakausap namin ang tao, lahat ng klase. To able to come a unique material,” pagpapatuloy ni Direk sa interview ng ilang entertainment media bago ang holiday break.

Binigay niyang sample itong pelikula nilang Drug War (starring Ian Veneracion, ang nauna nilang ginawang Bagman at Caretakers. “We try to dig deeper into kung sino tayo, ano pa ang mga kuwento natin; kaya ang mga caretaker, ang isang direksyon ko ay folk horror, tungkol sa mga bagay na lumaki tayo. Ito ‘yung mga horror na ikinukuwento sa atin ng mga lola natin.

“So, I think it’s really, at least for me, we share a part of it, trying to understand what are Filipino stories that we can share in the world,” kuwento pa sa amin ni Direk Lino.

Dahil din sa kanilang patuloy na pagpaplano kung paano nga mapapaganda ang mga pelikulang ipo-produce nila, hindi lang sa research sila naka-focus, lahat ng aspeto, inaayos nila at hindi minamadali ang mga writer.

“Kasi once a month, hinihingan tayo ng script. Ang writers sa atin, 12 months, 12 scripts. Sa Amerika, 2 years, 1 script,” pagkukumpara pa ni Direk Lino na naiiyak tuwing napag-uusapan ang tungkol sa ginawa ng kanyang kapatid na si Sen. Alan Peter Cayetano na ini-endorse ang kanyang kalaban sa May.

Anyway, dagdag pa niya tungkol sa continuity dahil tuhog nga ang trabaho sa atin kaya minsan hindi na consistent : “Ba’t ‘yung artista natin, ganyan, ganto, bakit ito na-transform ‘yung katawan niya? Kasi sila (sa ibang bansa), bayad sila - isang taon, isang pelikula. ‘Yung artista natin, anim na pelikula, isang taon. So paano ka magtra-transform ng consistent?

“So ngayon, what we try is to give time and give resources to the writers; na makapag-travel, to immerse in the culture. And then, lumalabas sa pelikua iyon, eh, ‘yung authenticity nung material,” sabi pa ni Direk Lino.

Anyway, ang Caretakers ay eco-horror film sa direksyon ni Shugo Praico katuwang ang Regal Films, na aniya ay higit pa raw sa isang kuwento ng terror – ito ay malalim na usapan na bunga ng pagpapabaya sa ating kalikasan.

At ipinagmamalaki ng mga filmmaker ng Caretakers na ito ay isa sa mga huling proyektong inaprubahan ng yumaong Mother Lily Monteverde, ang matriarch ng Regal Entertainment.

Ang kuwento nito ay nakasentro sa matinding labanan ng dalawang  ina, sina Audrey (Iza Calzado) at Lydia (Dimples Romana), dahil sa pagmamay-ari ng isang piraso ng lupa. 

Si Audrey, na nagmula sa lungsod, ay dumating upang kunin ang lupain na pagmamay-ari ng pamilya ng kanyang asawa, habang si Lydia, ang tagapag-alaga, ay mahigpit na pinoprotektahan ang lupain na inookupahan ng kanyang pamilya sa loob ng maraming taon.

“There’s a certain movement to go back sa pinakasimpleng buhay, pinakasimpleng panahon lalo na sobrang bilis ng modern times. ‘Yun idea na, oo nga no, ‘pag tiningnan mo, may something lurking back there. Paabante tayo nang paabante, biglang may hatak pabalik,” sabi ni Direk Shugo.

Para kay Iza, hindi lang professional challenge ang role ni Audrey kundi personal reflection din. Sa pakikipaglaban sa COVID-19 at nakaranas ng ilang beses na pagka-ospital, binanggit ni Iza ang mga aral sa buhay na natutunan niya sa panahon ng pandemya, partikular na tungkol sa materyal na pag-aari.

Sa set ng Caretakers, ibinahagi rin ni Iza ang ilan sa kanyang realisasyon nung pandemya: “Para saan ‘yung shoes ko? … Hindi sya nakakatulong sa’kin at this very moment.

“There are things that would be nice for us to have… but I have really put the brakes on buying as much as I used to,” pag-amin pa ng actress tulad ng pagbili ng luxury items.

Walang binanggit sa huling interview namin si Direk Lino kailan ipalalabas sa mga sinehan ang Caretakes.

Kapuso countdown, kinuyog ng 250k

Very successful ang pasabog na pagsalubong ng GMA Network sa Bagong Taon via the Kapuso Countdown to 2025: Isa Sa Puso.

Tinatayang nasa 250K ang pisikal na nakisaya sa SM Mall of Asia para sa taunang countdown kasama ang Kapuso artists tulad na lang nina Ruru Madrid, Bianca Umali, Kyline Alcantara, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Christian Bautista, at AiAi Delas Alas.

Join din sa Kapuso countdown ang mga PPop stars na SB19, 1621 BC, at Kaia.

Pinasilip na rin ang mga bonggang upcoming shows na dapat abangan sa GMA ngayong taon, kasabay ng 75th anniversary celebration nito.

Patok din ang Kapuso Countdown to 2025 online at umabot pa nga sa 2 Million total views ang online streaming ng event from different platforms and pages ng GMA.

Happy New Year sa ating lahat!

ENTERTAINMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with