^

Pang Movies

Pokwang, bitter ba pa rin?

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pokwang, bitter ba pa rin?

Hindi pa rin tapos ang actress-comedienne na si Pokwang sa ex niyang si Lee O’Brian.

May bago itong post tungkol sa YouTube channel nila ng anak na si Malia na hawak ni Lee.

Sa kanyang post ay may kausap siya kung saan binigyan siya nito ng update tungkol sa pag-take down ng channel nila.

Kaka-check lang daw nito at up and running pa rin daw pala ito at kumikita pa raw kahit ilang taon na ang nakararaan ang huling upload doon.

Doon daw napagtanto ng komedyante na kaya raw pala ayaw ibigay sa kanila ng ex ang YouTube channel nila ay dahil pinagkakaperahan pa raw sila ng kanyang anak na si Malia.

Pinag-aaralan pa raw ng kanyang kausap ang maaaring gawin para ma-take down na ang channel na pinaghirapan nila.

Gaya ng dati ay halu-halo ang opinyon ng mga netizen sa post ni Pokwang.

Tila humahanap na lang daw ito ng ganap kay Lee para lang ma-associate roon.

Tanong pa nga ng mga ito ay sino raw ba ang gumawa ng channel? Kung si Lee raw, may karapatan daw talaga.

Payo nga sa kanya ng mga ito ay pakawalan na ang mga bagay na hindi niya kontrolado.

Tutal naman daw siya ang nakaluwag-luwag sa buhay, hayaan na ito sa ex.

Kesa raw ma-stress siya sa kakaisip paano ma-take down iyon ay mas piliin na lamang niya ang kanyang peace of mind.

Sobra na raw ang pagiging bitter ni Pokwang kaya sana raw kung talagang gusto niyang ma-take down ang channel ay gawin na lamang niya ito nang tahimik dahil nagiging nega lamang siya.

Depensa ng iba niyang tagahanga ay naiintindihan nila ito dahil nasaktan lamang ito.

Whoaaa. Parang wala naman silang pinagsamahan noh. Tigilan na nila ‘yan.

POKWANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with