Child star, wish maging manager si Vice!
MANILA, Philippines — Nanalo ng first international award si Lucas Martin, bilang Best Male Performer sa 2024 Crisostomo Ibarra Awards para sa mahusay niyang pag-arte sa pelikulang Bata, Bata Ka Lang (Kid, You’re Just a Kid) sa Amerika.
Nagwagi rin ang nasabing movie ng Best Musical Score, Best Short Film, at iba pang awards sa direksyon ni Cedrick Marquez.
Ang Crisostomo Ibarra Awards ay bahagi ng Las Vegas Filipino Short Film Festival sa US. At dahil hindi nakakarating ang winners sa nasabing awards ay nagdiwang ang buong cast ng movie noong Linggo sa bansa.
Ang batang actor na si Lucas ay unang nakilala bilang gumanap na batang Jose Rizal sa GomBurZa, Padre Pedro Pelaez kasama niya si Piolo Pascual. Si Lucas din ang batang actor sa Instant Daddy na ang gumanap ng kanyang tatay ay si Jerald Napoles.
Naglaro na rin siya sa Family Feud, mula sa Team Mini Marvels.
Si Lucas din ang isa bida ng Tadhana, Bayad Utang, na gumanap bilang batang si Young Ford.
Suki si Lucas ng student short film na marami ring nahakot na awards.
Kahit maraming kumukuhang manager kay Lucas, wish niyang i-manage siya ni Vice Ganda or Ogie Diaz na pareho rin niyang idol sa pag-arte.
- Latest