^

Pang Movies

Richard at Nina, hinanap sa sessionistas reunion!

Lanie B. Mate - Pang-masa
Richard at Nina, hinanap sa sessionistas reunion!
Richard Poon at Nina

Magsasama-samang muli ang grupong Sessionistas ng ABS-CBN na sina Ice Seguerra, Nyoy Volante, Sitti, Kean Cipriano, Princess Velasco, Juris, at Duncan Ramos.

Pero hindi sa ASAP, kundi sa isang pre-Valentine concert ng grupo sa Solaire Theater sa Feb. 8, 2025 na may title na Love, Sessionistas.

Nakaka-miss nga silang panoorin tuwing Linggo sa ASAP. Masaya ang music lovers na genre ang kanilang mga music.

Dahil sa wakas ay nabuo muli ang grupo para sa kanilang reunion concert, kinuyog agad ng mga comment ang kanilang photo shoot dahil hinahanap sina Richard Poon at Nina na wala nga sa kanilang poster.

In fairness ay hindi tumatanda ang kanilang mga looks na malakas pa rin ang hatak.

 ‘Nabuhay’ muli si Duncan na tumaba na ngayon.

Nai-imagine agad ng fans na magiging masaya ang concert kung magsasabay muli sa paggigitara sina Nyoy, Kean at Ice. At sasabayan din ng pag-jamming sa pagkanta ng bawat moment ng mga nasabing bokalista ng grupo.

Jackpot at swabe ang magiging pre-Valentine concert ng Solaire.

‘Yung practice pa lang nila na ipinakikita ay excited na ang fans. Kinikilig na ang mga tao sa maganda nilang blending at timbre ng kanilang mga boses na sobrang na-miss nga ng fans. Nakakaaliw pa ‘yung tawanan, kulitan, at masayang friendship na nabuo ng grupo.

Kaya ngayon palang din ay may nag-request na agad ang ilan, na sana ay dalhin ang nasabing concert sa Cebu, Japan at US.

Tiyak maglalabasan na ang fans na kapanahunan ng Sessionistas dahil isa sila sa mga childhood favorite nilang singers.

Request din ng fans na sana ay i-guest muli sa ASAP ang Sessionistas. Upang mapanood at maki-jamming muli sa hosts nito tuwing Linggo at para pa-sample na rin ng kanilang concert.

RICHARD POON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with