DongYan, ginawang pribado ang renewal of vows!

Dingdong Dantes at Marian Rivera

Sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kahapon (Dec. 30) ay nag-renew ang mag-asawa ng kanilang wedding vows.

Ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram Story ang mga larawan sa kanilang renewal of vows na naganap sa isang simbahan na hindi na niya binanggit kung saan.

Sa isang larawan ay makikita si Marian na naglalakad patungong altaw with her simple but elegant wedding dress.

Sa isang litrato naman ay makikitang binabasbasan ng pari ang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak na sina Zia at Sixto.

Ipinost din ni Dong ang larawan ng kanilang ceremonial kiss at isang family photo nila kung saan ay kasama rin ang ama ni Dingdong.

Nagbahagi rin ang aktor ng throwback photos nila ni Marian taken 10 years ago.

Caption ni Dong sa isang larawan, “Just hanging out in the Dubai desert some 10 years ago.”

Sa Facebook account naman ni Marian ay nag-post siya ng mga larawan ng nakaraang 10 anniversaries and Christmases nila na nagsimula noong dalawa pa lang sila in 2014 hanggang sa naging anak nila si Zia at sinundan naman ni Sixto.

“Happy anniversary, Mahal! Thank you for the incredible gift of family -- my ultimate dream come true. I’m so grateful to share this beautiful journey wish you. Here’s to many more adventures together! Love you always!” pagbati ni Marian sa mister.

Ate Vi, haharapin muna ang bakasyon

Masayang sasalubungin ni Star For All Seasons ang Bagong Taon sa gitna ng kontrobersiya tungkol sa Metro Manila Film Festival 2024 entry niya na  Uninvited.

Sa video na ipinost niya kahapon ay excited niyang ibinalita habang nasa sasakyan na magbabakasyon na raw sila ng pamilya para salubungin ang 2025.

“Happy New Year po sa inyong lahat. Panahon naman po ng bakasyon kasama ang atin pong pamilya, mga kaibigan at mga kamag-anak,” sey niya.

“Salubungin po natin ang Bagong Taon nang positibo at masaya. Enjoy life,” mensahe pa ni ate Vi sa kanyang followers and fans.

Obviously ay hindi apektado ang Star For All Seasons sa kanyang pagkatalo bilang Best Actress sa MMFF Gabi ng Parangal at hindi na rin siya nakisali pa sa mga kumukuwestiyon sa hindi pagkaka-nominado ng co-star niyang si Aga Muhlach for Best Actor at sa direktor nilang si Dan Villegas for Best Director.

Bagkus ay nagpasalamat na lang si Ate Vi sa mga sumuporta sa movie at sa mga nagbibigay ng magandang reviews sa “Uninvited.”

Sa tagal naman ni Ate Vi sa industriya, for sure ay hindi na siya nasa-shock sa mga ganitong senaryo.

 

Show comments