Maraming netizens ang nag-akala na baby ni David Licauco ang kasama niya sa photos na pinost niya sa social media.
May caption kasi ito na: “Ready na ata ako.”
Pero pamangkin pala niya ito. Kasama ng Kapuso hunk ang kanyang niece sa isang beach resort.
Chance na raw niya itong maka-bonding ang pamangkin after ng ilang buwang pagtrabaho sa epic serye na Pulang Araw na nagwakas na noong Biyernes.
Maraming papuri ang dahil sa pagganap niya bilang si Hiroshi, isang Hapon na lumaki sa Pilipinas at napilitang maging sundalo noong pumutok ang giyera.
“Honestly everything talaga is challenging. I’m just really so happy na I was able to pull it off. Hopefully, I didn’t disappoint the fans, the production, GMA, Sparkle,” pahayag niya.
Nagpasalamat din siya sa mga tumutok sa Pulang Araw mula sa simula hanggang dulo. Pati na sa mga parangal na natanggap ng kanilang series.
Michael, namimili na lang ng trabaho
Hindi nga raw basta-basta tumatanggap ng proyekto si Michael de Mesa kung hindi siya bilib sa istorya at sa direktor nito.
Kaya tinanggap niya ang mapasama sa pelikulang Green Bones dahil sa magandang mensahe nito sa maraming tao.
“It’s also my chance to work with Direk Zig Dulay. I heard so many good things about him as a director from my sister, Cherie Gil, na nakatrabaho niya sa dalawang shows. Kaya na-curious ako to work with him and he did not disappoint. The movie will definitely move you. The whole cast is great!” sey ng aktor.
Naghakot ng maraming awards sa 2024 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal ang Green Bones.
British-argentine actress olivia hussey, pumanaw sa edad na 73
Pumanaw na sa edad na 73 ang British-Argentine actress na si Olivia Hussey.
Nakilala siya sa pagganap niya as Juliet sa Romeo and Juliet (1968) at bilang Virgin Mary sa mini-series na Jesus of Nazareth (1977).
Born Olivia Osuna in Buenos Aires, she acted professionally at the age of 13. Ang iba pang nagawa niyang pelikula ay Black Christmas(1974), Death on the Nile (1978), Psycho IV: The Beginning (1990), and Social Suicide (2015).
Olivia battled with breast cancer since 2008 at bumalik ito noong 2018.
Naglabas siya ng memoir in 2018 titled The Girl on the Balcony: Olivia Hussey Finds Life After Romeo and Juliet.
Artista na rin ang isang anak niya na si India Eisley na bida sa ABC series na The Secret Life of the American Teenager.