^

Pang Movies

Lumagare nung pasko... magnanakaw sa bahay ni Michael V., nahuli

Salve V. Asis - Pang-masa
Lumagare nung pasko... magnanakaw sa bahay ni Michael V., nahuli
Michael V.

MANILA, Philippines — AAhh kahit blurred ang mukha ni Michael V., hulang-hula na siya ang komedyante na nilooban noong Pasko dahil sa boses.

Humada nga noong Pasko ang magnanakaw pero hindi siya nagwagi dahil nahuli rin.

Ang kuwento, hindi siya nakatakas dahil nadiskubre agad siya sa isang condo hanggang nakatakbo sa isang upscale village at nakapasok diumano sa bahay ng komedyante.

At pak, nahuli rin siya.

Muntik daw actually na makatakas at nakipag-agawan pa ng baril sa guard, pero huli pa rin siya.

Hindi nagpakilala si Michael V., sa lumabas na balita at blurred. Pero mahusay siyempre ang mga nakapanood. Nahulaan na.

Anyway, ang dami rin daw ngayong shoplifters. Sa isang store, ayon sa isang staff, ang modus, may kanya-kanyang assignment ang miyembro ng mga shoplifter.

Ang isa mag-i-inquire sa sales staff habang ang mga kawatan, kunyari ay nagtitingin ng bibilhin at ang iba ayun may dalang shopping bag na malalaki at doon na maglalagay ng mga ninenok nila.

Paglabas, mabilis sila dahil wala na rin namang nagmo-monitor na guard na ang akala ng mga guard namili ang mga ito. Maayos daw kasi ang mga hitsura ng mga kawatan.

Sa iba ay walang problema, pero marami tayong mga kababayan na gustong maging masaya kahit gumawa ng masama para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Ang sabi impluwensiya ito ng social media na gustong lahat ay maganda ang mga post.

Mga yumanig sa 2024, babalikan ng year-end ng Kapamilya

Sa pagtatapos ng taon, babalikan ng Kapamilya reporters ang ilan sa pinakamalalaking kwentong nagmarka sa taumbayan at mga isyu na bumuo ng taong 2024 ngayong Linggo (Dec. 29), 8:30 p.m., sa Sa Likod ng Balita 2024: The ABS-CBN Year-End Special.

Samahan ang mga mamamahayag ng ABS-CBN na nanguna sa pagbabalita ng pinakapinag-usapang mga isyu at aktuwal na nasaksihan ang mga kaganapan sa harap at likod ng kamera kasama sina Karen Davila, Sherrie Ann Torres, Viviene Gulla, Johnson Manabat, Katrina Domingo, RG Cruz, at Dennis Datu.

Balikan ang kontrobersyal na pagkakasangkot ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na umano ay nameke ng kanyang pagkatao at ang kanyang kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na lumikha ng ingay matapos ang ilang mabusising pagdinig sa Senado at Kamara.

Tatalakayin din ang kontrobersyal na “extrajudicial killings” at giyera kontra-droga ni Dating Pangulo Rodrigo Duterte na nagbukas ng pinto para maimbestigahan ang mga kaso na konektado rito sa ilalim ng kanyang administrasyon. Kasama na rin dito ang koneksyon niya umano kay Pastor Apollo Quiboloy na humaharap din sa patung-patong na akusasyon at kaso.

Aalamin naman kung paano nauwi sa hiwalayan ang “unity” ng tambalang BBM-Sara na parehong nakaupo sa pinakamataas na pwesto sa gobyerno matapos magbitiw ni Vice President Sara Duterte sa gabinete bilang Department of Education secretary na sinundan naman ng maiinit niyang tirada kontra kay Pangulong Bongbong Marcos.

Tatalakayin din ang ilang mga kalamidad na kinaharap ng bansa ngayon taon na malalang nakaapekto sa kabuhayan ng mga Pilipino tulad ng paghagupit ng magkakasunod bagyo at pagiging aktibo ng bulkang Taal at Kanlaon.

Sa kabila ng mga hamong kinahaharap ng bansa, tutuklasin naman kung paano nakapagbibigay ng aliw at pag-asa sa buong mundo ang Nation’s Girl Group na BINI at pandaigdigang tagumpay ni Two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Huwag palampasin ang Sa Likod ng Balita 2024: The ABS-CBN Year-End Special sa darating na Disyembre 29, 8:30 p.m., na mapapanood sa A2Z, Kapamilya Channel, ABS-CBN News’s Youtube Channel, at iWantTFC.

MTRCB, babantayan ang bus na magpapalabas ng hindi G at PG

Ngayong dagsa ang mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa, nagpaalala ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa lahat ng operators at drivers ng mga pampublikong sasakyan o Public Utility Vehicle (PUV) na tanging rated “G” (General Patronage) at “PG” (Patnubay at Gabay ng Magulang) lamang ang pwedeng ipalabas habang nasa biyahe.

Batay sa MTRCB Memorandum Circular No. 09-2011, kinikilala bilang common carriers o isang sinehan na rin ang mga PUV dahil nagpapalabas sila ng mga pelikula na sakop ng MTRCB.

Sa ilalim ng batas, dapat ay pwede para sa lahat ng manonood, partikular sa mga bata, ang mga pelikulang ipinapalabas sa mga pampublikong transportasyon.

Batay sa Chapter Chapter 3, Section 1-3 ng naturang Memorandum Circular, ang mga PUV ay dapat sumunod sa regulasyon gaya ng pagtalima ng mga sinehan.

Ito ay para matiyak na ang mga pelikula ay angkop para sa lahat ng biyahero at hindi magkakaroon ng negatibong epekto sa mga bata na bumabyahe kasama ang kanilang pamilya.

“Kasama po sa aming mandato na matiyak na ang lahat ng palabas sa loob ng pampublikong sasakyan ay ligtas para sa lahat ng pasahero, lalo na sa mga bata,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio. “Parte ito ng mas malawak naming trabaho na maprotektahan ang ating mga kababayan.”

Mariing paalala ng Board sa PUV operators na sumunod sa naturang panuntunan.

Hinihikayat din ng MTRCB ang publiko na isumbong sa Ahensya ang mga lumalabag sa mga opisyal na social media channels ng MTRCB (@MTRCBGov) at email: [email protected].

Ang mga pasaway ay parurusahan batay sa Presidential Decree No. 1986 at Chapter XIII ng 2004 Revised Implementing Rules and Regulations.

MICHAEL V.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with